Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na PatnubayHalimbawa

Divine Direction

ARAW 6 NG 7

Kumonekta

Noong mapagtanto kong hindi lamang ako nilikha upang maglingkod sa iglesia, kundi maglingkod sa iba bilang iglesia, ang pakikipagkunekta sa mga tao ay naging napakahalaga. Hindi ka makapaglilingkod nang hindi kumukonekta. At kung kanino ka kumokonekta ay siyang magbabago sa kasaysayang ikukuwento mo sa dadating na panahon. Ito ay totoo sa buong kasaysayan. Isipin mo na lang ang taong sumulat sa higit ikatlong bahagi ng Bagong Tipan, ang alagad na si Pablo.

Si Pablo ay hindi nagsimulang isang Cristiano. Bago siya naging alagad ni Jesus, siya ay si Saulo na mula sa lungsod na tinatawag na Tarsus, isang taong galit na umuusig at pumapatay ng mga Cristiano. Kung hindi mo gusto ang mga grupo na para kay Jesus, magugustuhan mo si Saulo. Ngunit pagkatapos na kunin ang buhay ng mga taong naniwala na si Jesus ay nabuhay na muli, si Pablo ay naging isa rin sa kanila.

Ang kanyang pagbabago ay napakalaki, radikal, at tunay ngang nakapagpapabago ng buhay na si Saulo (na pinangalanang Pablo) ay kaagad na ninais na sabihin sa ibang tao ang tungkol kay Jesus. Ang problema ay walang Cristianong nagtiwala sa kanya dahil sa mga dahilang napakaliwanag.

Sinasabi sa paraang payak ng aklat ng Mga Gawa na:Pagdating ni Saulo sa Jerusalem, sinikap niyang mapabilang sa mga alagad doon. Ngunit sila'y natatakot sa kanya dahil hindi sila makapaniwalang isa na siyang alagad  (Mga Gawa 9:26 RTPV05). Hindi mo masisisi ang mga alagad sa kanilang pag-aalinlangan. Hindi ko gugustuhing ang taong nagpapatay ng mga Cristiano noong isang buwan ay mamumuno ng isang pag-aaral ng Biblia ngayon! Gagawin mo ba ito?

May problema si Pablo. Kulang siya sa kredibilidad pagdating sa ibang mga Cristiano. Kaya inaabot ni Pablo ang sinumang nagbibigay sa kanya ng pagkakataong ibahagi ang bagong tuklas na pagnanasa niya. Ang desisyon ni Pablong kumonekta ay hindi lamang nakapagpabago ng kanyang kuwento; nabago rin nito ang kasaysayan ng mundo. Sa totoo lang, isang kaibigan lang ang nakatulong upang mabago ang tinatahak niyang tadhana. At ang kaibigang yan ay isang taong ang pangalan ay Barnabas.

Maaaring isang pakikipagkaibigan lang ang magbabago sa iyong kuwento.

Ngayong araw na ito ay mababasa mo ang pakikipagsapalarang ginawa ni Barnabas sa pagdadala niya kay Pablo sa mga alagad, na mga pinuno ng mga taong sinusubukang patayin ni Pablo sa dati niyang buhay. Anong nangyari? Itinaya ni Barnabas na bagong kaibigan ni Pablo ang kanyang reputasyon. At dahil kay Barnabas, binigyan ng ibang alagad ng pagkakataon si Pablo. At ang sumunod ay nasa kasaysayan na. Maaaring isang pakikipagkaibigan na lamang ang kailangan upang mabago ang iyong kuwento.

Isang kaibigan na lang ang kailangan para sa mas mabuting buhay may-asawa. Isang pagtatapat na lamang ang kailangan upang mapagtagumpayan ang isang pagkagumon. Isang pakikipag-usap na lang upang maging mas maayos ka. Isang tagapayo na lang upang maunawaan mo ang iyong mga kaloob at maging isang mas mabuting pinuno.

Tanungin mo ang sarili mo: Anong kailangan kong gawin upang makakonekta ako sa mga tamang tao? May mga tao bang kailangang hiwalayan ko?

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Divine Direction

Araw-araw, gumagawa tayo ng mga pagpiling huhubog sa ating talambuhay. Anong magiging hitsura ng buhay mo kung magiging dalubhasa ka sa paggawa ng mga pagpiling ito? Sa Gabay sa Bibliang Divine Direction, ang pinakamahusay na may-akda at nakatataas na Pastor ng Life.Church, si Craig Groeschel, ay hinihikayat ka sa pamamagitan ng pitong prinsipyo mula sa kanyang aklat na Divine Direction upang tulungan kang matagpuan ang karunungan ng Diyos para sa iyong araw-araw na pagpapasya. Tuklasin ang espirituwal na patnubay na kailangan mo upang magkaroon ng isang buhay na magbibigay-karangalan sa Diyos na nanaiisin mong isalaysay sa ibang tao.

More

Malugod naming pinasasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/