Banal na PatnubayHalimbawa
Humayo
Nararamdaman mo bang may bagong nangyayari sa buhay mo? Gusto mo ba ng kakaiba? Kahit hindi mo pa nararamdaman ngayon, magandang lagi mong inihahanda ang puso mo sa pagbabago dahil ito ay sigurado.
Napag-usapan na natin ito simula, hinto, at manatili. Minsan ang pinakamabuting desisyon na maaari mong gawin sa paghahanap ng patnubay mula sa Diyos ay ang humayo.
Madalas ay tinatawag tayong manatiling matibay kapag bumibigat ang pasanin, pero maraming beses na kailangan tayong makipagsapalaran. Hindi ka ba mapalagay sa kinaroroonan mo? Maaaring may itinanim na banal na pagnanasa sa iyo ang Diyos upang paglingkuran Siya sa kamang-manghang paraan. Maaaring pinukaw ka Niya sa pamamagitan ng partikular na grupo ng mga tao, ng isang kaisipan, ng isang problema, o ng isang lugar. Maaaring tinatawag ka Niya upang humayo. Sundan mo ang kutob na iyon at tingnan mo kung saan ka noon dadalhin. Yakapin ang karanasang iyon. Ang pinakamahusay na paraan upang humakbang sa pananampalataya ay ang magkaroon ng maayos na pagsisimula.
May isang magandang kasaysayan sa Lumang Tipan tungkol kay Abram at Sarai (na paglaon ay pinalitan ang mga pangalan sa Abraham at Sara) na ganap na ipinapakita ang "paghayo". Sa Genesis 12, nangusap ang Diyos kay Abram. Nang panahong iyon, si Abram ay naninirahan sa isang bayang ang pangalan ay Haran ngunit nagmula siya sa isang bayang tinatawag na Ur sa Caldea. Doon sa bayan ng Ur, ang mga tao ay sumasamba sa huwad na diyos ng buwan na ang pangalan ay Nannar.
Ang importante ay ang nag-iisang tunay na Diyos ay piniling ipahayag ang sarili Niya kay Abram. Binigyan ng Diyos si Abram ng napakasimple at tuwirang utos: lumayo sa lahat ng mga dati niyang nalalaman. "Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo." Genesis 12:1 RTPV05, dinagdagan ng diin
Lumisan at humayo.
Upang makahakbang tungo sa iyong tadhana, maaaring kailanganing humakbang palayo sa iyong kasiguruhan.
Sinong nakababatid kung saan dadalhin ng Diyos ang iyong kasaysayan kung hahayaan mo lamang Siya? Isang araw, ilang taon mula ngayon, lilingunin mo ang dati mong buhay at makikita mo ang buong kasaysayan. Ano kayang mangyayari? "Naramdaman kong tinatawag ako ng Diyos, pero natakot ako, kaya wala akong ginawa." O magkakaroon ka ba ng puno-ng-pananampalatayang pakikipagsapalaran na maaari mong ikuwento? Ang pagkakaiba ay kung hahayo ka ba kapag sinabi ng Diyos na, "Humayo ka."
Tanungin: Ano ang sinasabi sa iyo ng Diyos na iwan? Saan ka Niya tinatawag na humayo?
Tungkol sa Gabay na ito
Araw-araw, gumagawa tayo ng mga pagpiling huhubog sa ating talambuhay. Anong magiging hitsura ng buhay mo kung magiging dalubhasa ka sa paggawa ng mga pagpiling ito? Sa Gabay sa Bibliang Divine Direction, ang pinakamahusay na may-akda at nakatataas na Pastor ng Life.Church, si Craig Groeschel, ay hinihikayat ka sa pamamagitan ng pitong prinsipyo mula sa kanyang aklat na Divine Direction upang tulungan kang matagpuan ang karunungan ng Diyos para sa iyong araw-araw na pagpapasya. Tuklasin ang espirituwal na patnubay na kailangan mo upang magkaroon ng isang buhay na magbibigay-karangalan sa Diyos na nanaiisin mong isalaysay sa ibang tao.
More