Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na PatnubayHalimbawa

Divine Direction

ARAW 7 NG 7

Tiwala

Naninirahan ako sa Oklahoma kung saan ang panahon ay maaaring magkaroon ng mabilis at kapansin-pansing pagbabago. Isang taon noong Marso, ang panahon ay napakaganda at maaraw na may temperaturang 83 antas. Nang sumunod na araw, tatlong pulgada ang niyebe. Kapansin-pansin ang pagbabagong ito, ngunit wala ito kumpara sa panahon ng buhawi. Bigla na lamang may mga bagyong lumalabas kung saan.

Katulad din ng nangyayari sa ating mga buhay.

May nakausap akong isang babaeng may problema sa kanyang kalusugan habang nanonood ako ng larong soccer ng anak ko. Ipinaliwanag niya sa akin kung paanong napakalapit niya sa Diyos ilang taon na ang nakakaraan at dati siyang aktibo sa mga gawain sa aming iglesia. Ngunit nang magsimula siyang dumaan sa mga napakatinding pagsubok, tinanong niya kung bakit hinayaan ito ng Diyos. Pinipigilan niya ang mga luha niya habang sinasabi niya, "Paano ko sasambahin ang isang Diyos na hindi ko mapagkakatiwalaan?"

Magtitiwala ba tayong ang Diyos ay mabuti kahit na ang buhay ay hindi?

Ang katanungan ng babaeng ito ay tumatama sa kaibuturan ng isa sa pinakamalaking desisyon sa buhay. Magtitiwala ba tayo na mabuti ang Diyos kahit na ang buhay ay hindi? Ang ating tugon sa kirot at mga hamon ay nagkakaroon ng malaking epekto sa ating hinaharap.

Sa mismong katangian nito, ang pananampalataya ay nangangailangan ng pagtitiwala sa isang bagay—o sa isang tao—na hindi laging mahuhulaan o mauunawaan ayon sa pamantayan ng tao. Kung tayo ay magiging tapat, marami sa atin ay nagnanais ng di-maipagkakailang patotoo ng mapagbiyayang presensya ng Diyos sa ating buhay.

Hindi na bago ito. Naalala mo ba si Tomas na mapagduda? Pagkatapos na mamatay ni Jesus sa krus at nang Siya ay nabuhay mula sa kamatayan, sinabi ni Tomas na hindi siya maniniwala hanggang wala siyang nakitang katibayan. Sa halip na magalit at itaboy siya dahil sa kawalan niya ng pananampalataya, magiliw na ipinakita ni Jesus ang mga kamay Niyang may bakas ng pagkakapako.

At naalala mo ba ang mga alagad Niya na inabutan ng bagyo? Inabot sila ng malakas na bagyo kaya't ang bangkang sinasakyan nila'y hinampas ng malalaking alon at ito'y halos mapuno na ng tubig.Marcos 4:37 RTPV05. Sa gitna ng bagyo, ang mga alagad ay hindi nag-iisa. Ipinapaalala sa atin ni Marcos sa susunod na bersikulo na si Jesus ay natutulog sa hulihan ng bangka.

Kapag si Jesus ay kasama mo sa bangka, maaaring yanigin ka ng mga bagyo, ngunit hindi ka lulubog.

Ang mga taong katulad natin, katulad ng babae sa laro ng soccer, katulad ni Tomas, at ng mga alagad ay nag-iisip na hindi tayo dadaan sa bagyo kung talagang kasama natin ang Diyos. Ngunit hindi ganoon iyon. Kapag kasama mo si Jesus sa bangka, maaaring yanigin ka pa rin ng mga bagyo, ngunit hindi ka lulubog. Kasama mo Siya, sa mahinang ulan at sa pinakamatinding buhawing maaari mong maisip.

Hindi mo lamang kasama Siya, Siya ay para sa iyo rin. At kung Siya ay para sa iyo, sinong makakalaban sa iyo? Ipagkatiwala sa Diyos ang anumang hindi mo pa ibinibigay sa Kanya. Ipagkatiwala mo sa Kanya ang magiging asawa mo. Ipagkatiwala mo sa Kanya ang magiging mga anak mo. Ipagkatiwala mo sa Kanya ang trabaho mo. Ipagkatiwala mo sa Kanya ang kalusugan mo. Ipagkatiwala mo sa Kanya ang pananalapi mo.

Pagtiwalaan mo Siya nang walang pasubali.

Tapos.

Manalangin: Aking Ama, ipinagkakatiwala ko sa Iyo ang aking sisimulan at tatapusin. Ipinagkakatiwala ko sa Iyo kung saan ako mananatili at kung saan ako pupunta. Ganoon na lamang ang pagtitiwala ko sa Iyo na ibibigay ko sa Iyo ang buhay ko upang maglingkod at kumonekta sa mga tao. At nagtitiwala akong narito Ka at may layunin para sa akin sa gitna ng mga unos ng buhay ko. Salamat dahil nariyan Ka, ginagabayan Mo ako, at binibigyan mo ako ng banal na pagpatnubay. Amen.

Alamin pa ang ibang detalye tungkol sa aking aklat, Divine Direction

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Divine Direction

Araw-araw, gumagawa tayo ng mga pagpiling huhubog sa ating talambuhay. Anong magiging hitsura ng buhay mo kung magiging dalubhasa ka sa paggawa ng mga pagpiling ito? Sa Gabay sa Bibliang Divine Direction, ang pinakamahusay na may-akda at nakatataas na Pastor ng Life.Church, si Craig Groeschel, ay hinihikayat ka sa pamamagitan ng pitong prinsipyo mula sa kanyang aklat na Divine Direction upang tulungan kang matagpuan ang karunungan ng Diyos para sa iyong araw-araw na pagpapasya. Tuklasin ang espirituwal na patnubay na kailangan mo upang magkaroon ng isang buhay na magbibigay-karangalan sa Diyos na nanaiisin mong isalaysay sa ibang tao.

More

Malugod naming pinasasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/