Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Banal na PatnubayHalimbawa

Divine Direction

ARAW 2 NG 7

Huminto

Isa sa pinakamagandang desisyon na maaari mong gawin kapag nakakaramdam ng simbuyo o may kinakaharap kang malaking suliranin ay ang desisyong huminto. Tumigil sandali. Manalangin para sa pagpatnubay. Itulog mo muna ito. Kumuha ng makadiyos na karunungan mula sa mga taong pinagkakatiwalaan mo at isipin ang mga maaaring mangyari. Pagkatapos, tanungin mo ang sarili mo, "Ito ba ay isang bagay na dapat ko nang ihinto nang lubusan?"

Marami sa atin ang may mabubuting layunin o kaya naman ay may pagbibigay-katwiran sa mga bagay na ginagawa natin. Gayunman, napakarami sa atin ang tila nagugulat kapag natatagpuan natin ang sarili nating malayo sa direksyong nais nating puntahan. Ang malalaking pagbabago sa buhay natin—ang negatibo at positibo rin—ay madalang mangyari ng walang sunud-sunod na mga desisyong nagpapatong-patong na katulad ng walang-katapusang domino.

Nakikita mo ba kung paanong ang paghinto ay maaaring maging isa sa pinaka-kapaki-pakinabang na bagay na gagawin natin? Kapag ikaw ay humihinto upang suriin kung nasaan ka na at kung saan mo gustong pumunta, sa gayon ay maaari kang makapagdesisyon kung paano kang makakarating sa iyong destinasyon.

Ano ang maaari mong ihinto upang mapalapit ka sa banal na patnubay ng Diyos?

May ginagawa ka ba na nagdadala sa iyo sa direksyong ayaw mong puntahan ( o ayaw ng Diyos na puntahan mo)? Anong kinakailangan mo upang makahinto ka nang lubusan? Pagkagumon sa social media, sa alak, sa pornograpya, o sa trabaho? Isang hindi magandang ugnayan? Isang mapanghusgang saloobin? Anong maaari mong ihinto upang mapalapit ka sa banal na pagpatnubay ng Diyos? Ituring ang bawat pagpili na parang ito ang susunod na hakbang patungo sa iyong destinasyon.

Kapag ang isang pag-uugali o kaugnayan ay nagdadala sa atin sa direksyong magpapalayo sa atin sa kasaysayang nais nating sabihin, kailangan nating huminto sandali hindi lamang para isaalang-alang ang mga kahihinatnan kundi upang piliing huminto sa paglalakbay tungo sa maling direksyon. Marahil ay narinig mo na ang salitang "magsisi." Ang isa sa literal na kahulugan nito ay bumalik. Kapag ikaw ay nagsisisi, humihinto kang pumunta sa isang direksyon at bumabalik ka sa Diyos at sa Kanyang landas para sa iyo.

Sa ganitong diwa, ang talagang ibig sabihin ng paghinto ay ang paghakbang tungo sa bagong direksyon. Maaaring kailanganin mong humakbang tungo sa pagkakaroon ng pananagutan, pagpapatawad, mga tamang kaibigan, o bagong lugar kung saan ka mamumuhay.

Tanungin ang iyong sarili:

1. Kung ito ang piliin ko, saan ako patungo?

2. Ano ang dapat kong ihinto upang mapalapit sa banal na pagpatnubay ng Diyos?

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Divine Direction

Araw-araw, gumagawa tayo ng mga pagpiling huhubog sa ating talambuhay. Anong magiging hitsura ng buhay mo kung magiging dalubhasa ka sa paggawa ng mga pagpiling ito? Sa Gabay sa Bibliang Divine Direction, ang pinakamahusay na may-akda at nakatataas na Pastor ng Life.Church, si Craig Groeschel, ay hinihikayat ka sa pamamagitan ng pitong prinsipyo mula sa kanyang aklat na Divine Direction upang tulungan kang matagpuan ang karunungan ng Diyos para sa iyong araw-araw na pagpapasya. Tuklasin ang espirituwal na patnubay na kailangan mo upang magkaroon ng isang buhay na magbibigay-karangalan sa Diyos na nanaiisin mong isalaysay sa ibang tao.

More

Malugod naming pinasasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/