Ang ABKD ng Semana SantaHalimbawa
G: Gunitain (remember)
“‘Ilaan mo para sa akin ang Araw ng Pamamahinga, tulad ng ipinag-uutos ni Yahweh na iyong Diyos. Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na iyo'y huwag magtatrabaho ang sinuman sa inyo; ikaw, ang iyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ni alinman sa mga alaga mong hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo. Ang iyong alipin, lalaki man o babae ay kailangang mamahingang tulad mo. Alalahanin mong naging alipin ka rin sa Egipto at mula roo'y inilabas kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. Kaya iniutos ko na panatilihin mong nakalaan kay Yahweh ang Araw ng Pamamahinga. (Deuteronomio 5:12-15)
Tuwing buwan ng Marso o Abril, ginugunita natin ang sakripisyo ng Panginoong Hesus sa krus. Hindi lamang ito tanda ng ating pasasalamat sa Kanya para sa ating kaligtasan, ito ay upang paalalahanan din tayong tayo ay tinubos Niya mula sa ating mga kasalanan at sa ating kamatayan.
Sa Lumang Tipan, makailang beses na pinaalalahanan ang mga Israelitang gunitain ang mga ginawa ng Diyos para sa kanila. Bilang tao, tayo’y natural na malilimutin kung kaya’t magandang tradisyong ating alalahanin taun-taon ang ginawa ng Panginoong Hesus para sa ating kaligtasan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.
More
Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://church.victory.org.ph/ortigas