Ang ABKD ng Semana SantaHalimbawa
E: Ebanghelyo (Gospel)
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya. (Juan 3:16-17)
Ang Ebanghelyo ay ang Magandang Balitang si Hesus ay nabuhay, namatay, at muling nabuhay para sa ating kaligtasan at para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Sinumang tumawag at maniwala sa Kanyang Pangalan ay hindi na maaaring mamatay pa, kundi mabubuhay nang muli kasama Niya sa kalangitan.
Tuwing ipagdiriwang natin ang Semana Santa, inaalala rin natin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus para tayo’y mailigtas mula sa kaparusahan ng ating mga kasalanan. Ito ang ebanghelyo, ang Magandang Balitang tayo’y maaari nang mabuhay ng malaya sa ‘Ngalan ni Hesukristo. Nawa’y atin itong ipagpasalamat sa araw-araw, hindi lamang tuwing Semana Santa.
Tungkol sa Gabay na ito
Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.
More
Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://church.victory.org.ph/ortigas