Ang Lalaki sa Gitna ng Krus: Pitong Araw na Babasahing Gabay sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa
NAIGULONG NA ANG BATO
“Bakit ninyo hinahanap ang buháy sa lugar ng mga patay? Wala siya rito, siya'y muling nabuhay.” LUCAS 24:5-6 (RTPV05)
Kapag itinuturing natin si Jesus bilang Mesias, karamihan sa atin ay nag-iisip agad ng personal na kaugnayan: Si Jesus ay aking Mesias. Nagpapatawad Siya sa aking mga kasalanan. Nabubuhay Siya sa akin. Ang lahat ng ito, siyempre, ay totoo. Ngunit ang inaasahan ng mga Judio noong unang siglo hinggil sa pagiging mesias ni Jesus ay mas malawak kaysa doon. Kung makakausap natin ang Judio noong unang siglo tungkol sa kanyang mga inaasahan tungkol sa mesias, matutuklasan natin ang pag-asa na, sa isang diwa, ay lubos na malawak ang saklaw.
Inaasahan ng mga Judio na ang kanilang pinakahihintay na Mesias ay darating upang talunin ang mga pagano na humahawak sa kanila, muling itatayo ang templo, at itatag ang makatarungang pamamahala ng Diyos sa lupa. Ang sa kanila ay isang pambansang pag-asa na ang Mesias ay darating at ipaghihiganti ang bansang Israel. Ang pagdating ni Jesus, kasama ang mga himala na Kanyang ginawa, ang mga kuwento na Kanyang isinalaysay, at ang mga propesiya na Kanyang natupad, ay nagdulot ng malaking pag-asa sa Kanyang mga taga-sunod. Ngunit nang magsimula pa lang silang mag-isip na Siya ang talagang politikal na tutubos sa bayan ng Israel, nakita nila ang lahat ng kanilang pag-asa patungkol sa mesias na nakabitin sa krus ng Romano sa kalbaryo. At nang si Jesus ay sumigaw, “Natupad na” (Juan 19:30), karamihan sa kanila ang sumang-ayon.
Kung gayon, paanong ang mga grupo ng mananampalataya, na ang kanilang pag-asa sa pagka-mesias ay nailibing sa libingan ng Palestino, hindi lamang patuloy na naniwala na si Jesus ang Mesias kundi tumayo sa mga lansangang malapit sa lugar kung saan Siya pinatay at hindi nahiyang nagpahayag ng Kanyang pagiging mesias? Ang sagot na nagmumula sa umaalingawngaw na mga pahina ng Bagong Tipan ay matatagpuan sa pisikal na pagkabuhay na muli ni Jesus. Ang pahayag ng anghel sa mga kababaihan na nagdala ng mga pabango upang embalsamuhin ang isang bangkay ay nagdulot ng isang radikal na pagsusuri muli sa kung ano ang nasaksihan ng mga mananampalataya noong Biyernes at ang ganap na pagbabago ng pananaw sa kanilang buhay at hinaharap. Nang muling nagpakita ang Mesias sa kanila, buhay gaya ng dati, ang dating malungkot, namimighati, talunan, at sawimpalad na mga alagad ay naging matapang at nagagalak na mga saksi. Sila ngayon ay nagpapatotoo sa katotohanan ng katawan ni Cristong nabuhay na muli na nakikita, mahahawakan at mahihipo, at nag-aangkin ng kakayahan na gawin ang hindi nagawa ng Kanyang katawan bago ang pagkabuhay na muli. Ang Kanyang gawain ng pagliligtas ay natapos na; Ang Kanyang buhay at paghahari ay tiyak na hindi pa!
Tanging sa pagkilala ng mga alagad sa Kanyang muling pagkabuhay kaya naging makabuluhan sa wakas ang pagiging mesias ni Cristo. Tunay nga, ang natuklasan ng mga naunang mananampalataya nang "masumpungan nila na naigulong na ang batong nakatakip sa libingan” (Lucas 24:2) at nakita na “si Jesus mismo ay nakatayo sa kanilang kalagitnaan” (v 36) ay ang walang hanggang pag-asa, kagalakan, at kapangyarihan na nag-alab sa kanilang mga puso. At ang mga ito ay naririyan pa rin sa lahat na naglalagay ng kanilang tiwala kay Jesus, ang Mesias na nabuhay na muli. Ang pagkabuhay na muli at tanging ang pagkabuhay na muli ang magbabago ng kalungkutan, kapighatian, at pagkatalo sa pag-asa, kagalakan at kapangyarihan. Ang pagkabuhay na muli, at tanging pagkabuhay na muli, ang maghahayag na magagapi ng Mesias ang Kanyang mga kaaway, mapapanumbalik ang Kanyang bayan, at maghahari sa lahat. Ang pagkabuhay na muli ni Jesus ang magbabago ng lahat tungkol sa kung paano mo ipagpapatuloy ang araw mo ngayon.
- Paano ako tinatawag ng Diyos upang mag-isip nang naiiba?
- Paano isinasaayos ng Diyos ang pagmamahal ng aking puso—kung ano ang mahal ko?
- Ano ang tinatawag ng Diyos na gawin ko habang nagpapatuloy ako sa aking araw ngayon?
Hinango namin ang Gabay na ito mula sa ibang sanggunian. Learn More about Truth For Life and Alistair Begg.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Halos lahat ay sumasang-ayon na ang mundong ito ay wasak. Pero paano kung may solusyon? Ang pitong araw na gabay na ito para sa Pasko ng Pagkabuhay ay nagsisimula sa isang kakaibang karanasan ng magnanakaw sa krus at isinasaalang-alang kung bakit ang tanging tunay na sagot sa pagkawasak ay matatagpuan sa pagkamatay ng isang inosenteng tao: si Jesus, ang Anak ng Diyos.
More