Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Lalaki sa Gitna ng Krus: Pitong Araw na Babasahing Gabay sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

The Man on the Middle Cross: A 7-Day Easter Reading Plan

ARAW 4 NG 7

NALAGOT ANG KANYANG HININGA

“Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, sa mga kamay mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.” LUCAS 23:46 (RTV05)

Ang pagiging simple ng mga salitang ito ay nagtuturo sa atin sa mga katotohanang napakalalim para sa pagluha.

Si Lucas, na may mata para sa mga detalye, ay nagbibigay sa ating ng isang “maayos na ulat” ng pagpapako kay Jesus sa krus— isang ulat kung saan, ipinaliliwanag niya sa simula ng kanyang Ebanghelyo, ay resulta ng maingat na pagsisiyasat at isinulat upang ang kanyang mga mambabasa “ay magkaroon ng katiyakan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo” (Lucas 1:3-4).Hindi niya hinahangad na palamutian ang kaniyang pagsusulat ng kalungkutan. Sa halip, sumusulat siya upang maunawaan natin ang katotohanan. At sa gayon ang huling hininga ni Jesus ay iniuulat para sa atin sa isang simpleng parirala: “Nalagot ang Kanyang hininga.”

Ang nais ni Lucas na manatili sa atin ay ang pagkontrol ni Jesus sa Kanyang huling hininga. Pinili Niyang italaga ang Kanyang espiritu sa mga kamay ng Kanyang mapagmahal na Ama. Alam Niyang tapos na ang Kanyang gawain. Ang kasalanan ay nabayaran na, ang tabing ay nahati, at ang Kanyang bayan ay maaaring pumasok sa presensya ng Kanyang Ama magpakailanman. Kasabay ng lahat na sinabi ni Jesus bago ang Kanyang pagpapako, pinabulaanan ng Kanyang mga huling salita ang paniwala na ang Kanyang kamatayan ay para lamang sa isang walang magawang biktima na nalupig ng malulupit na mga pangyayari. Sinabi Niya sa Kanyang mga alagad ilang buwan bago Siya pumunta sa Jerusalem at na ang Anak ng Tao ay dapat magdanas ng matinding hirap at … mamatay” (Lucas 9:22). Sinasabi sa atin ni Juan na ipinaliwanag Niya ito iyon sa kanila, “Dahil dito'y minamahal ako ng Ama, sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang ito'y kunin kong muli. Walang makakakuha ng aking buhay; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at kuning muli. Ito ang utos na tinanggap ko sa aking Ama” (Juan 10:17-18).

Si Jesus ay nagpunta sa krus hindi sa kawalan ng magagawa kundi kusang-loob. Ayon sa layunin ng Ama, pinili Niya ang eksaktong sandali na iaalay Niya ang kanyang buhay para sa Kanyang tupa (Juan 10:11). Dito, makikita natin ang mismong May akda ng buhay na kusang loob na humugot ng Kanyang huling hininga at ipinapaalala sa atin ng Kanyang ganap na awtoridad gayundin ang Kanyang hindi maubos na pag-ibig. “Nalagot ang kanyang hininga” upang malanghap mo ang sariwa at dalisay na hangin na ibinigay sa iyo sa sandaling ikaw ay ipanganak na muli. "Nalagot ang kanyang hininga" upang isang araw ikaw ay tatayo sa isang napanumbalik na nilikha at makalanghap ng hangin papasok sa mga baga na hindi kailanman mabubulok o masisira. Siya na may kapangyarihan sa hangin na iyong nilalanghap ay makapangyarihang nalagot ang Kanyang hininga. Siya ay karapat-dapat sa iyong papuri at pagsamba.

  • Paano ako tinatawag ng Diyos upang mag-isip nang naiiba?
  • Paano isinasaayos ng Diyos ang pagmamahal ng aking puso—kung ano ang mahal ko?
  • Ano ang tinatawag ng Diyos na gawin ko habang nagpapatuloy ako sa aking araw ngayon?

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Man on the Middle Cross: A 7-Day Easter Reading Plan

Halos lahat ay sumasang-ayon na ang mundong ito ay wasak. Pero paano kung may solusyon? Ang pitong araw na gabay na ito para sa Pasko ng Pagkabuhay ay nagsisimula sa isang kakaibang karanasan ng magnanakaw sa krus at isinasaalang-alang kung bakit ang tanging tunay na sagot sa pagkawasak ay matatagpuan sa pagkamatay ng isang inosenteng tao: si Jesus, ang Anak ng Diyos.

More

Ang Debosyonal na ito ay mula sa ‘Truth For Life,’ ang pang araw-araw na debosyonal ni Alistair Begg, inilathala ng The Good Book Company, thegoodbook.com. Ginamit ng Truth For Life na may pahintulot. Copyright (C) 2022, The Good Book Company.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://tfl.org/365