Ang Lalaki sa Gitna ng Krus: Pitong Araw na Babasahing Gabay sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

BINUBUKSAN NG KRUS ANG ATING MGA MATA
“At nang makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid!”” LUCAS 23:47 (ABTAG)
Hindi natin mauunawaan ang krus maliban na lang kung ito ay nagpabago sa atin nang personal.
Nang nalagot ang hininga ni Jesus” (Lucas 23:46), itinala ni Lucas ang mga reaksyon ng mga nakasaksi sa pagpapako sa krus. “Ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito, pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib” (v 48). Oo, may kalungkutan, ngunit nang matapos na ang palabas, sila ay umalis upang ipagpatuloy ang kanilang buhay. Sinasabi sa atin ng talata 49 na “ang lahat ng mga kakilala niya … nangasa malayo na nagmamasid,”—at maiisip lang natin kung ano ang tumatakbo sa kanilang mga isipan. Ngunit ang pinaka-kapansin-pansin at ang pinaka-personal na reaksyon na nakuha ni Lucas ay ang sa Romanong senturion, na, nang makita ang nangyari ay, “pinuri ang Diyos, at sinabi, ‘Totoo ngang walang kasalanan ang taong ito’”—o, katulad ng pagsasalin sa ABTAG, “Tunay na ito'y isang taong matuwid.”
Dito, sa gitna ng kadiliman at mapagpaimbabaw na mga pinuno ng relihiyon, mapang-uyam na mga pinuno, at manhid na mga dumadaan, ay may isang kislap ng liwanag. Marahil ang huling taong inasahan natin na makakakita ng katotohanan—isang tao na walang naunang kaugnayan kay Jesus, walang kaalaman sa pag-aaral sa Lumang Tipan, at walang predisposisyon sa mga bagay ng Diyos—hindi lamang naunawaan kung ano ang hinahanap niya kundi personal na tumugon dito. Nakita niya “kung ano ang nangyari”—ang mga salita ni Jesus, ang kadiliman sa itaas, ang paraan ng Kanyang kamatayan—at napagtanto, Hindi ito ordinaryong tao. Narito ang isang tao na naiiba sa bawat iba pang tao. Narito ang isang tao na ganap na inosente, ganap na matuwid. Sa katunayan, idinagdag ni Marcos na ang senturion ay naghayag na ang taong nasa krus ay “Anak ng Diyos” (Marcos 15:39).
Sa kanyang mata sa detalye, malinaw na binibigyang-diin ni Lucas ang pagkakita sa kung ano ang nangyari sa krus. Marahil inaasahan niya na ang ilang mambabasa ay matatandaan na nang si Jesus ay nagbasa mula sa balumbon ni Isaias sa simula ng Kanyang ministeryo, sinabi Niya, ““Ang Espiritu ng Panginoon … hinirang ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita … ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila'y makakakita” (Lucas 4:18). Sa katunayan, ang isang dakilang tema na matatagpuan sa buong Ebanghelyo ni Lucas ay ang kadiliman ay sinasakop ng liwanag—ang kalituhan at katigasan ng puso at isip ng mga tao na sinakop ng nagpapalayang kapangyarihan ng katotohanan ng Diyos.
Anumang pagtatangka na ipahayag ang Cristianismo na nagtatanggi sa sentralidad ng krus ay hindi kailanman maaaring humantong sa nakapagliligtas na pananampalataya. At habang hindi natin laging nauunawaan kung paanong ang Espiritu ay kumikilos sa pag-akay sa mga lalaki at babae na ipanganak na muli, ang ating mensahe ay dapat laging pareho: “Si Cristo ay ipinako sa krus” (1 Mga Taga-Corinto 1:23). Ito ay ang pagtingin sa krus na nagdudulot ng buhay para sa sinumang tumutugon sa isang tao na nakabayubay doon sa pamamagitan ng pagsasabi kung sino Siya at pagpupuri sa Diyos para sa Kanyang gawaing pagliligtas. Maliban at hanggang ang krus ay personal sa atin, ito ay walang kabuluhan para sa atin. Kaya, kailan ka huling tumingin sa iyong Tagapagligtas sa krus at pinuri ang Diyos?
- Paano ako tinatawag ng Diyos upang mag-isip nang naiiba?
- Paano isinasaayos ng Diyos ang pagmamahal ng aking puso—kung ano ang mahal ko?
- Ano ang tinatawag ng Diyos na gawin ko habang nagpapatuloy ako sa aking araw ngayon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Halos lahat ay sumasang-ayon na ang mundong ito ay wasak. Pero paano kung may solusyon? Ang pitong araw na gabay na ito para sa Pasko ng Pagkabuhay ay nagsisimula sa isang kakaibang karanasan ng magnanakaw sa krus at isinasaalang-alang kung bakit ang tanging tunay na sagot sa pagkawasak ay matatagpuan sa pagkamatay ng isang inosenteng tao: si Jesus, ang Anak ng Diyos.
More