Ang Lalaki sa Gitna ng Krus: Pitong Araw na Babasahing Gabay sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

BANAL NA PAGTAMPALASAN
“Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong lupain. Nawalan ng liwanag ang araw at ang tabing ng Templo'y napunit sa gitna.” LUCAS 23:44-45 (RTPV05)
Habang umuusad ang ministeryo ni Jesus, ang isa sa mga malalaking alalahanin ng relihiyosong establisimyento ng mga Judio ay, lumilitaw na, ayon sa Kanya ay sisirain Niya ang templo at itatayo ito muli sa loob ng tatlong araw (Juan 2:19). Sa katunayan, ito ang isa sa mga pangunahing akusa na dinala laban sa Kanya (Marcos 14:58). Kaya'y nang nasa krus si Jesus, tinutuya at tinatawanan Siya ng mga dumadaan, at sumisigaw ng, “Di ba't ikaw ang gigiba ng Templo at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw? Iligtas mo ngayon ang iyong sarili!” (Mateo 27:40). Ngunit nanatili Siya doon, nakabitin sa krus, sa kadiliman.
At pagkatapos, sa gitna ng kadiliman at kaguluhan ng pagkapako sa krus, bigla, isang bagay na misteryoso at lubos na hindi inaasahan ang nangyari: Ang Diyos Mismo ang lumapastangan sa templo.
“Ang tabing ng templo ay napunit sa gitna,” sinabi sa atin ni Lucas. Ito ang mismong tabing na nakakabit sa templo upang simbolikong humarang sa daan papunta sa presensya ng Diyos. Ito ang dakilang tanda na ang hindi perpektong mga tao ay hindi maaaring nasa parehong lugar kung saan naroon ang banal na Diyos. Sa buong Lumang Tipan, ang sinumang nagpalagay na pumasok sa presensya ng Diyos nang hindi sinusunod ang mga seremonyal na ritwal ng paglilinis at ang paggawa ng mga kinakailangang sakripisyo ay namatay (halimbawa, Mga Bilang 3:2-4). Ngunit ngayon, biglang-bigla, habang nasa bingit ng kamatayan si Jesus, ang simbolong ito ng mahigpit na pagiging eksklusibo ay nawasak. Sa pamamagitan ng pagkawasak nito, ipinahayag ng Diyos na ang lumang ritwal ng saserdote para sa pagpasok sa Kanyang presensya ay naalis na, at ang humahadlang na kasalanan na naghahati sa sangkatauhan mula sa kanilang Lumikha ay nawala. Hindi na kailangang panatilihin ang ating distansya mula sa Diyos. Sa halip, “tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. ” (Mga Hebreo 10:19-20).
Ang paglapit natin sa Diyos ay hindi limitado sa isang templo o simbahan, o anumang iba pang gusali, hindi rin ito dapat sa pamamagitan ng isang tao lamang na pari o isang guru. Hindi, 2,000 taon na ang nakalilipas, ang Diyos ay pumasok sa kasaysayan upang maitaguyod ang direktang paglapit sa Kanyang sarili. Ngayon mayroong “isang tagapamahala sa pagitan ng Diyos at ng mga tao, ang taong si Cristo Jesus, na ibinigay ang Kanyang sarili bilang pantubos para sa lahat” (1 Timoteo 2:5-6). Ang tabing ng templo na napunit sa gitna ay banal na pagtampalasan para sa iyong kapakanan! Hindi mo na kailangang dumaan pa sa mga pari at sa mga ritwal kailanman. Sila ay walang kabuluhan.Sa halip, maaari kang lumapit sa Diyos, kung ano ka, tiwala sa pagtanggap at awa at tulong, lahat dahil kay Jesus.
- Paano ako tinatawag ng Diyos na mag-isip nang kakaiba?
- Paano binabago ng Diyos ang pagmamahal ng aking puso—kung ano ang gusto ko?
- Ano ang nais sa akin ng Diyos na gawin habang patuloy akong nabubuhay sa araw na ito?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Halos lahat ay sumasang-ayon na ang mundong ito ay wasak. Pero paano kung may solusyon? Ang pitong araw na gabay na ito para sa Pasko ng Pagkabuhay ay nagsisimula sa isang kakaibang karanasan ng magnanakaw sa krus at isinasaalang-alang kung bakit ang tanging tunay na sagot sa pagkawasak ay matatagpuan sa pagkamatay ng isang inosenteng tao: si Jesus, ang Anak ng Diyos.
More