Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Lalaki sa Gitna ng Krus: Pitong Araw na Babasahing Gabay sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

The Man on the Middle Cross: A 7-Day Easter Reading Plan

ARAW 2 NG 7

ISANG GANAP NA KADILIMAN

“Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong lupain. Nawalan ng liwanag ang araw.” LUCAS 23:44-45 (RTPV05)

Kasunod ng pagkapako kay Jesus sa krus, magtatanghaliang-tapat, ang lupa ay binalot ng kadiliman. Isipin kung gaano nakakabagabag iyon! Biglang-bigla, ang mga tao ay tiyak na mas naging mahina, mas naguluhan. Maaaring may ilan na naroroon sa pagdakip kay Jesus at natandaan na Siya ay nagbabala, “Ngayon ay panahon na ninyo at ng kapangyarihan ng kadiliman” (Lucas 22:53). Ngunit marahil ang karamihan ay nagsabi sa isa't isa, Ano kaya ang kahulugan ng kadilimang ito? Bakit kaya nangyayari ito?

Sa isang banda, dapat alam na nila ang sagot sa tanong na iyon. Ang kamatayan ni Jesus ay nangyari sa pagdiriwang ng Paskwa sa Jerusalem—isang pagdiriwang na nagaganap taun-taon sa loob ng daan-daang taon. Sa panahong ito, maaalala ng mga Judio ang huling salot na ipinadala ng Diyos sa Egipto bago dumating ang anghel ng kamatayan at ang kamatayan ng panganay na mga anak na lalaki ay ang kadiliman sa buong lupain. Maaalala nila na pagkatapos ng kadiliman ay dumating ang kamatayan: na sa pagkakataong iyon, yaong mga iniligtas ng dugo ng kordero ng Paskwa lamang ang nagising sa umaga upang masumpungan ang kanilang panganay na anak na kasama pa rin nila. At ngayon, dito, sa mas malawak na exodo na ipinasilip ng una, ang kadiliman ay nauna sa kamatayan ni Cristo, na noon at hanggang ngayon ay ang perpektong Kordero ng Paskwa.

Ito ay bilang isang Tagapagdala ng Kasalanan—bilang sakdal, walang bahid na Kordero—na si Jesus ay pumasok sa presensya ng walang kasalanang Diyos. Higit pa riyan, wala Siyang dala na kapalit na hain maliban sa Kanyang sarili. Bago ang sandaling ito ng kasaysayan, upang pumasok sa banal na dako ng presensya ng Diyos sa templo ng Jerusalem, ang punong saserdote ay kailangang maghandog para sa kanyang sariling kasalanan at pagkatapos ay maghahandog para sa mga kasalanan ng kanyang mga kinakatawan. Ngunit ang Punong Saserdote na ito ay pumasok sa makalangit na presensya ng Diyos na walang dala. Bakit? Dahil Siya mismo ay hindi kailangan ang anumang hain, dahil Siya ay sakdal, walang kasalanan; at gayunman Siya mismo ang hain. Si Jesus ang Kordero. Wala nang ibang bagay ang maaariNiyang dalhin at wala na Siyang dapat dalhin. Katulad ng ipinapaliwanag ni Pedro, “Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan” (1 Pedro 2:24).

At kaya ang kadiliman ng paghatol ng Diyos ay hindi ang panghuling pasiya. Dahil si Jesus ay naging kasalanan, tinamo ang buong galit ng poot ng Diyos, maaari tayong mailipat sa kaharian ng Diyos, “patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan” (1 Pedro 2:9). Walang ibang bagay sa buong mundo na nagpapakita kung gaano katotoo ang pag-ibig ng Diyos sa mga makasalanan at kung gaano katotoo ang ating kasalanan sa Diyos.

Mabuting magkubli ang araw sa dilim
At isara ang kanyang kaluwalhatian
Nang si Cristo ang makapangyarihang Maylikha ay namatay
Para sa kasalanan ng tao na nilikha.[1]
  • Paano ako tinatawag ng Diyos upang mag-isip nang naiiba?
  • Paano isinasaayos ng Diyos ang pagmamahal ng aking puso—kung ano ang mahal ko?
  • Ano ang tinatawag ng Diyos na gawin ko habang nagpapatuloy ako sa aking araw ngayon?

[1] Isaac Watts, “Aba, Bumuhos ang Dugo ng Aking Manunubos” (1707).

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

The Man on the Middle Cross: A 7-Day Easter Reading Plan

Halos lahat ay sumasang-ayon na ang mundong ito ay wasak. Pero paano kung may solusyon? Ang pitong araw na gabay na ito para sa Pasko ng Pagkabuhay ay nagsisimula sa isang kakaibang karanasan ng magnanakaw sa krus at isinasaalang-alang kung bakit ang tanging tunay na sagot sa pagkawasak ay matatagpuan sa pagkamatay ng isang inosenteng tao: si Jesus, ang Anak ng Diyos.

More

Ang Debosyonal na ito ay mula sa ‘Truth For Life,’ ang pang araw-araw na debosyonal ni Alistair Begg, inilathala ng The Good Book Company, thegoodbook.com. Ginamit ng Truth For Life na may pahintulot. Copyright (C) 2022, The Good Book Company.Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://tfl.org/365