Ang Kaluwalhatian ng HariHalimbawa
Isang Naiibang Plano
Malinaw na ang nais ng Diyos para sa mga taong sawi ay ang makatagpo sila ng bagong pag-asa. Ang plano Niya para sa mga tao ay hindi ang mabuhay lamang sila. Sila ay nararapat maging, punong kahoy ng katuwiran, o oaks of righteousness, tulad ng ipinahayag Niya sa Isaias 61:3 TLAB.
Ang puno ng oak ay isa sa mga pinakamaringal na puno, na sumasagisag sa pangangalaga, lakas at tibay. Ang puno ng oak ay larawan ng katatagan, dahil ito ay nagtataglay ng matitibay na ugat. Nais ng Diyos na ang mga taong nabubuhay sa kahirapan, ang mga sawimpalad, at ang mga nagdadalamhati ay maging puno ng katuwiran. Hindi Niya lamang tayo pinalalaya, kundi binibigyan Niya tayo ng kakayahang managana.
Naiisip mo ba kung anong mangyayari kung ang mga Cristiano ay pinatawad lamang sa kanilang mga kasalanan, ngunit hindi kailanman makakaranas ng katagumpayan sa kanilang kabiguan, o maranasan ang kalayaan sa pamumuhay sa ilalim ng biyaya? Hindi ito magiging sapat. Si Jesus ay hindi lamang namatay para sa ating mga kasalanan, namuhay Siyang muli mula sa kamatayan upang tayo ay magkaroon ng buhay sa Kanya. Pinalaya na tayo mula sa pagkaalipin, kaya anumang kulang kumpara rito ay hindi magiging sapat. Binibigyan Niya tayo ng kapangyarihan maging sa ating kasawian.
Ang Diyos natin ay Diyos na nag-aayos sa lahat ng bagay. Iyan ang ating Diyos.
Ang pag-asa ni Jesus para sa isang nasasaktang mundo ang nagdadala sa mga tao sa kapuspusan ni Jesus.
Manalangin:
Jesus, ikaw ang aking pag-asa. Panginoon,tulungan mo akong managana sa mga natatanging lugar kung saan mo ako tinawag. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nang ipinahayag ni Jesus ang simula ng Kanyang ministeryo, ginamit Niya ang mga salita sa Isaias 61. Ipinahayag Niyang ang Kanyang misyon ay upang dalhin ang mabuting balita sa mga dukha; palayain ang mga bihag, pagalingin ang mga sugatang puso, aliwin ang mga nagluluksa. Ngunit ano nga ba talaga ang anyo ng mabuting balita?
More