Ang Kaluwalhatian ng HariHalimbawa
Pagpapanumbalik mula sa Amang Ama
Ang Diyos ay nasa negosyo ng pagpapanumbalik at siya’y dalubhasa rito.
Si Sambo ay buhay na patotoo nito! (Tingnan sa ikalawang araw) Sa pinakamamabang punto ng kanyang buhay, takot ang kanyang asawa sa kanya, ayaw siya ng kanyang mga kapitbahay at ang kanyang mga anak na lalaki ay naging biktima ng child trafficking. Gayunman, iba na ang kuwento nang makilala ko sa siya. Siya’y puno ng kagalakan at pagmamahal dahil naranasan niya ang pagpapanumbalik ng Diyos sa kanyang buhay.
Nang magkaroon si Sambo ng pananampalataya, gumaling siya mula sa kanyang pagkalulong sa alak. Nanumbalik ang kanyang relasyon sa kanyang asawa at siya’y nakapagsimula ng sarili niyang negosyo. Ang karagdagang kita ay nangahulugang mababawi niya ang kanyang mga anak pauwi sa kanilang tahanan. Nagtayo pa siya ng maliit na simbahang dinadaluhan ng 20 o higit pang pamilya.
Kapag naranasan natin ang nakatutubos na kapangyarihan ng Diyos sa ating buhay, ang lahat ay nagbabago.
Lahat tayo ay may kilalang mga tao na nakaranas ng pagpapanumbalik ng Diyos sa kanilang mga buhay. Marahil ay totoo rin ito para sa iyo?
Manalangin:
Napupuspos ako ng pasasalamat dahil nais Mo akong iligtas mula sa aking pagkasira. Hinihingi ko po ang inyong pagpapanumbalik ngayon; para sa kagalingan, kagalakan at pag-ibig. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nang ipinahayag ni Jesus ang simula ng Kanyang ministeryo, ginamit Niya ang mga salita sa Isaias 61. Ipinahayag Niyang ang Kanyang misyon ay upang dalhin ang mabuting balita sa mga dukha; palayain ang mga bihag, pagalingin ang mga sugatang puso, aliwin ang mga nagluluksa. Ngunit ano nga ba talaga ang anyo ng mabuting balita?
More