Ang Kaluwalhatian ng HariHalimbawa
Ang Matalinong Hari
Nakakabagot ang buhay kung minsan.Dumadaan tayo sa mga panahon kung saan hindi ganoon kaning-ning ang araw. Minsan pakiramdam natin nabubuhay tayo sa likod ng mga anino. Parang napakalayong abutin ang pag-asa, at nanghihina at malumbay ang ating mga espiritu.
Nakilala ko si Sambo sa Cambodia, isang lalaking nagtatago sa mga anino. Mahirap siya sa lahat ng pamantayan: sa materyal, espiritwal, at pakikipag-ugnayan.
Lumaki si Sambo noong 1970s sa Cambodia, kung saan naging miyembro siya ng rehimeng Khmer Rouge. Bata pa lamang siya nang sinimulan turuan, isa siyang sundalo ng rehimen. Hindi nagtagal at natapos ang kapangyarihan ng Khmer Rouge at idinaan ni Sambo sa paglalasing ang kirot at sama ng loob na kanyang nararamdaman. Kinalaunan ikinasal si Sambo, subalit nabigo siyang maging mabuting asawa't ama. Sinasaktan niya ang kanyang asawa at naibenta ang kanyang mga anak.
Para kay Sambo, ang pag-asa ay napaka imposible. Napakarami niyang nagawang pagkakamali. Ang kanyang buhay ay markada ng pagkabigo, itinago niya ang kanyang lungkot sa pag-inom ng alak. Nang nagpunta si Jesus sa templo, ginamit Niya ang sipi mula sa Isaiah 61 para ipahayag ang kanyang layunin — upang maghatid ng magandang balita sa mga dukha. Sa mga taong gaya ni Sambo. Sa mga taong gaya mo at ko. Bilang Cristiano, dala natin ang parehing espiritu. Nasa sa atin si Cristo, at Siya ang pag-asa at kaluwalhatian.
Kapag nasasaktan tayo, kapag para bang napaka-imposibleng makita ang pag-asa, maaari tayong manalig sa mga salita ni Jesus. Sa Kanya. Ang nagbabago ang mga nakababagot ng panahon. Nabibigyan lunas Niya ang mga sugatang puso, ang mga nakakadena at ang mga manhid.
Bilang mga Cristiano, dala natin ang parehong espiritu. Nasa sa atin si Cristo, at Siya ang pag-asa ng kaluwalhatian. Ipinapangako ni Jesus ang buhay, pag-asa at init ng Kanyang pag-ibig. Siya ang ating Matalinong Hari.
Manalangin:
Panginoon, Maraming salamat sa iyong espiritong nananahan sa akin. Pahintulutan mo po akong maramdaman ang inyong nag uumapaw na kaluwalhatian. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nang ipinahayag ni Jesus ang simula ng Kanyang ministeryo, ginamit Niya ang mga salita sa Isaias 61. Ipinahayag Niyang ang Kanyang misyon ay upang dalhin ang mabuting balita sa mga dukha; palayain ang mga bihag, pagalingin ang mga sugatang puso, aliwin ang mga nagluluksa. Ngunit ano nga ba talaga ang anyo ng mabuting balita?
More