Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kaluwalhatian ng HariHalimbawa

Splendor Of The King

ARAW 5 NG 5

Para sa Kanyang Kaluwalhatian

Nakikita natin ang kaluwalhatian ng Diyos sa kalikasan—sa isang tropikal na oasis, sa mga bundok na balot ng niyebe, at sa mga bulalakaw. Ngunit bukod sa lahat ng di pangkaraniwang bahagi ng kanyang paglikha, ang kaluwalhatian ng Diyos ay pinakamahusay na naipamamalas sa atin! Siya ay kumukuha ng mga basag na sisidlan at ginagawa silang mga obra-maestrang sumasalamin sa Kanyang perpektong kagandahan. Pinili niyang gawin tayong korona ng kanyang kalikhaan.

Si Jesus ay gumugol ng panahon sa ilang nang Siya ay tinutukso. Ang demonyo ay nangako sa Kanya ng lahat ng awtoridad at ganda sa mundo, kung Siya ay yuyukod lamang at sasamba sa kanya. Ngunit natanto ni Jesus ang Kanyang mataas na tungkulin. Alam Niya na ang awtoridad at kaluwalhatian ay nagmumula lamang sa Ama. Alam din niya ang kanyang layunin—na siya ay naparito para sa mga naliligaw, naaapi, mga dukha sa Espiritu.

Ang dakilang disenyo ng Ama ay upang ipakita ang kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan ng lahat ng tao— lalo na sa mga sa mismong laylayan ng lipunan, tulad ni Sambo. Ang pag-ibig at biyaya ng Diyos ang nagdudulot ng pagpapanumbalik sa mga naninirahan sa kasawian. Gusto Niyang magbago ng mga buhay. Tayo ay nilikha para tumulong magdala ng kanyang panunumbalik sa ating sirang mundo—upang maging bahagi ng kanyang proseso ng pakikipagkasundo, dala ang pagbabago para sa mga naisantabi ng lipunan, hindi para sa ating kaluwalhatian, ngunit para sa Kanya.

Manalangin:

Sana ang panunumbalik ni Cristo ay mapasaatin at maipaabot natin ito sa mga nakapaligid sa atin, para sa kaluwalhatian ng Hari. Amen.

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Splendor Of The King

Nang ipinahayag ni Jesus ang simula ng Kanyang ministeryo, ginamit Niya ang mga salita sa Isaias 61. Ipinahayag Niyang ang Kanyang misyon ay upang dalhin ang mabuting balita sa mga dukha; palayain ang mga bihag, pagalingin ang mga sugatang puso, aliwin ang mga nagluluksa. Ngunit ano nga ba talaga ang anyo ng mabuting balita?

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://www.tearfund.org/yv