O Yahweh, napakarami pong kaaway, na sa akin ay kumakalaban! Ang lagi nilang pinag-uusapan, ako raw, O Diyos, ay di mo tutulungan! (Selah) Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan. Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong, sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah) Ako'y nakakatulog at nagigising, buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin. Sa maraming kalaba'y di ako matatakot, magsipag-abang man sila sa aking palibot.
Basahin Mga Awit 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 3:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas