Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 3:1-6

MGA AWIT 3:1-6 ABTAG

Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin. Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah) Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: Aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, At sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) Ako'y nahiga, at natulog; Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon. Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 3:1-6