Paglakad Kasama Ni Hesus (Paglago)Halimbawa
Pang-araw-araw na Pakikisama
Sinabi ni Jesus sa Juan 6:48 na Siya ang tinapay ng buhay. Noong panahong iyon, isinasama ng mga tao ang tinapay bilang pangunahing pagkain, kaya maihahambing natin ang taong kumakain ng tinapay ng buhay bilang isang mananampalataya na may pakikisama sa Diyos. Ang larawang ibinigay ng Diyos ay tila simple, ngunit ang kahulugan sa likod ng salitang ito ay malalim.
Ano ang nangyayari kapag kumakain tayo ng tinapay o iba pang pangunahing pagkain? Ang mga pagkain na pumapasok sa ating mga bibig ay matutunaw sa tiyan gamit ang iba't ibang mga enzyme. Ang mga sustansya ay masisipsip ng mga bituka patungo sa mga selula ng ating katawan. Pagkatapos, ang pinakabuod ng pagkain ay nagbabago bilang enerhiya na nagiging lakas natin upang kumilos at magtrabaho. Ganito rin sa ating pakikisama kay Hesus. Kapag tayo ay nanampalataya, si Hesus ay mananahan sa ating at nagiging hindi mahihiwalay na bahagi ng ating buhay. Binibigyan Niya tayo ng espirituwal na buhay, na nagbibigay-daan sa atin na gawin ang kalooban ng Ama.
Ang susi sa pagkuha ng sapat na enerhiya at lakas para sa mga gawain ay ang regular na pagkain, kahit tatlong beses sa isang araw. Lagi tayong may oras para kumain. Walang sinuman ang sadyang nag-iisip na wala silang panahong kumain. Ganoon din sa ating pakikisama sa Diyos. Kung gusto nating maging malakas sa espirituwal, hindi natin maaaring balewalain ang panahon ng pakikisama sa Diyos. Kailangan nating magkaroon ng tuloy-tuloy na pakikisama sa Diyos. Upang manatiling matatag, hindi tayo maaaring mag-fellowship ng isang beses lang sa isang linggo o isang beses lang sa isang taon - tulad ng hindi tayo pwedeng kumain lamang nang isang beses sa isang linggo, at lalong higit na hindi pwedeng isang beses lamang sa isang taon. Ang pakikisama sa Diyos ay dapat maganap bawat araw, at araw-araw.
Ang pakikisama sa Diyos ay hindi lamang tumutukoy tungkol sa pagbibigay ng espesyal na oras sa Diyos at pagtatamasa ng Kanyang presensya. Maaari tayong makipag-ugnayan, bumuo ng pakikipag-ugnayan at relasyon sa Diyos habang nagtatrabaho, nagmamaneho, nasa palengke, naghihintay sa pila, o kahit na may sakit. Purihin ang Panginoon, na maaari tayong makipag-ugnayan sa Diyos anumang oras sa anumang kondisyon. Nais ng Diyos na magkaroon ng pakikisama sa atin, na Kanyang mga anak.
Pagninilay:
1. Gaano ka kadalas nakikisama sa Diyos? Ano ang kalidad ng iyong pakikisama? Sapat ba upang magbigay ng espirituwal na lakas upang mabuhay?
2. Ano ang gusto mo sa iyong pakikisama sa Panginoon?
Pagsasanay:
Pagyamanin ang iyong pakikisama sa Diyos dahil ang Diyos ay hindi tumitigil sa pakikipag-usap sa atin- Siya ay palaging nagbubuo, umaaliw, at nagbibigay payo sa atin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang yugto ng buhay ng bawat nilalang ay nagsisimula mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda. Ganito rin maihahambing ang ating espirituwal na kalagayan bilang mga mananampalataya. Ang pananampalataya, pananaw, at paraan ng pag-iisip ng mga mananampalataya ay dapat na wasto at husto sa gulang. Iyon ang dahilan kung bakit ang "paglago" ay isang kawili-wiling paksa ng pag-aaral.
More
http://www.bcs.org.sg