Paglakad Kasama Ni Hesus (Paglago)Halimbawa
Bata Laban sa Matanda
Naaalala mo ba ang poster ng isang cute na nakangiting bata na may mga salitang "WALANG PROBLEMA" sa ibaba? Oo, ang pagkabata ay itinuturing na isang masayang panahon. Kapag pinag-uusapan natin ang mga problema, mayroon ding mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng pagiging bata at pagiging matanda.
Ang pagkabata ay hindi panahon na walang problema. Hinaharap ng mga bata kanilang problema sa pamamagitan ng pag-iyak. Bihirang makakita ng batang hindi umiiyak kapag nahulog – nasugatan man o hindi. Iiyak din ang bata kapag siya ay nadisiplina dahil sa pagsuway o masamang asal. Iiyak ang isang bata kapag may problema sa isang kaibigan sa kanilang paglalaro. Ang pag-iyak ay itinuturing na solusyon sa lahat ng kanilang mga problema. Nararanasan nating lahat ang katangiang iyon noong bata pa tayo.
Tiyak na hindi ganoon ang mga matatanda. Hindi natin kakayaning harapin ang lahat ng problema sa pamamagitan ng pag-iyak. Alam natin kung kailan iiyak at kung kailan ito haharapin.
Ito ay naaangkop din sa ating espirituwal na buhay. Ang mga bata pa sa espirituwal ay nag-iisip, nag-aasal, at kumikilos na parang mga bata. Dahil mga bata pa sila, mas susundin nila ang kanilang nararamdaman. Ang mga ito ay madaling umangal at maging emosyonal. Maraming problema ang kinakaharap ng isang pamilya kung parehong bata pa ang mag-asawa. Ang iglesia ay haharap sa maraming kahirapan kung ang mga miyembro ng kongregasyon nito ay pawang mga bata pa, kahit na sila ay kabilang na sa kongregasyon sa loob ng maraming taon. Nais ng Diyos na lumago tayo kapwa sa pisikal at espirituwal. Ang pisikal na paglago ay awtomatikong nangyayari sa paglipas ng panahon, ngunit ang mental at espirituwal na paglago ay nangangailangan ng panghabambuhay na pagsisikap at ng pananampalataya.
Pagninilay:
1. Maging tapat sa harap ng Diyos. Ikaw ba ay espirituwal na may-gulang o espirituwal na bata pa rin? Ano ang batayan ng iyong pagtatapat?
2. Gaano katagal bago mo maabot ang pagkamay-gulang na nais ng Diyos na ikaw ay maging? Ano ang mga pagsisikap na dapat gawin upang makamit ito?
Pagsasanay:
Mag-isip ng isang kaso na iyong hinarap bilang isang bata. Paano mo ito haharapin bilang isang may sapat na gulang? Ilista ang mga kalamangan at kahinaan ng saloobin bilang isang bata at bilang isang nasa hustong gulang sa problema.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang yugto ng buhay ng bawat nilalang ay nagsisimula mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda. Ganito rin maihahambing ang ating espirituwal na kalagayan bilang mga mananampalataya. Ang pananampalataya, pananaw, at paraan ng pag-iisip ng mga mananampalataya ay dapat na wasto at husto sa gulang. Iyon ang dahilan kung bakit ang "paglago" ay isang kawili-wiling paksa ng pag-aaral.
More
http://www.bcs.org.sg