Paglakad Kasama Ni Hesus (Paglago)Halimbawa
Ang Proseso
Ang pagiging Kristiyano ay higit pa sa isang kagyat na pagbabagong-loob. Ang pagiging Kristiyano ay isang pang-araw-araw na proseso ng pagiging higit at higit pang katulad ni Kristo. Sa oras na ang isang tao ay nanampalataya kay Hesus bilang kanyang espirituwal na Panginoon at Tagapagligtas, siya ay nagiging isang espirituwal na sanggol. Ang espirituwal na sanggol na ito ay kailangang makakuha ng espirituwal na pagkain sa pamamagitan ng mga simpleng aral mula sa Bibliya. Kailangan din niyang matutong mamuhay bilang isang Kristiyano.
Maaring mahulog siya sa takbo ng buhay niya. Maaari siyang magkamali ng maraming beses, ngunit hindi iyon hadlang sa kanyang pagbangon at pagpapatuloy sa buhay. Sa katotohanan, maraming tao ang huminto sa paglago. Nananatili silang mga espirituwal na sanggol sa natitirang bahagi ng kanilang buhay. Ito ay isang malungkot na bagay, hindi ba? Tulad ng inaasahan ng ating mga magulang na pag-unlad sa kanilang mga anak, inaasahan din ng ating mga espirituwal na magulang, ng ating Ama sa Langit, ang espirituwal na paglago mula sa atin. Maaari tayong matapilok at mahulog, ngunit maaari tayong bumangon at magpatuloy sa paglago hanggang sa tayo ay maging may-gulang o matatag na sa Panginoon. Kailangan ng Diyos ang mga taong may-gulang na at matatag upang maglingkod sa Kanyang gawain.
Sinimulan ng Diyos ang mabubuting bagay sa atin sa pamamagitan ng kaligtasan. Ang kaligtasan ay libre. Wala tayong kailangang gawin para matanggap ito dahil ginawa ito ni Kristo sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus. Gayunpaman, ang kaligtasan mismo ay isang proseso na magpapatuloy hanggang sa araw ng Panginoong Hesukristo. Ang prosesong ito ay patuloy na nangyayari sa buong buhay natin. Kung naniniwala tayo na ginagawa Niya ang mga bagay na maganda sa oras nito, dapat tayong maging handa at maging masunurin sa proseso ng Diyos. Pinoproseso tayo ng Diyos tulad ng isang sanga na Kanyang nililinis upang mamunga ng maraming bunga o tulad ng putik na hinuhubog ng magpapalayok gamit ang kanyang mga kamay. Kapag sila ay handa na, ang mga sanga ay magbubunga at ang mga sisidlan ay magiging handa na upang gamitin bilang mga sisidlan ng kaluwalhatian.
Samakatuwid, magkaroon tayo ng pagnanais na lumago. Huwag masiyahan sa isang pangkaraniwang espirituwal na buhay. Ang mga kahirapan sa buhay at iba't ibang pakikibaka ay nangangailangan ng matatag na pananampalataya upang balansehin ito – at ito ang uri ng pamumuhay na patungo sa walang-hanggan.
Pagninilay:
1. Ikaw ba ay isang espirituwal na sanggol? Gaano katagal? Nakakaranas ka ba ng paglago?
2. Paano ka nahihirapan sa prosesong ginagawa ng Diyos sa iyong buhay? Anong proseso ang itinuturing mong programa ng Diyos sa iyong buhay para maging may-gulang ka? Nakatulong ba sa iyo ang proseso?
Pagsasanay:
Unawain ang lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay bilang proseso ng Diyos upang patatagin ka.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang yugto ng buhay ng bawat nilalang ay nagsisimula mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda. Ganito rin maihahambing ang ating espirituwal na kalagayan bilang mga mananampalataya. Ang pananampalataya, pananaw, at paraan ng pag-iisip ng mga mananampalataya ay dapat na wasto at husto sa gulang. Iyon ang dahilan kung bakit ang "paglago" ay isang kawili-wiling paksa ng pag-aaral.
More
http://www.bcs.org.sg