Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglakad Kasama Ni Hesus (Paglago)Halimbawa

Paglakad Kasama Ni Hesus (Paglago)

ARAW 4 NG 7

Ang Malakas na Ugat

Ang pinakamalaking puno sa mundo ay nasa Giant Forest, America. Ang punong Giant Sequoia na ito ay pinangalanang General Sherman. Ang punong ito, na tinatayang nasa 2,200 taong gulang, ay may bulto ng katawan na 1487 metrong kubiko at taas na 83.8 metro noong 2002. Ang mga sanga nito ay mayayabong at luntian, na nagbibigay ng lilim at hindi pangkaraniwang kagandahan. Ang puno ay bilog, tuwid, at matangkad. Sa paglipas ng mga taon ang punong ito ay tumatanggap ng malakas na hangin, malakas na ulan, niyebe, at parehong mainit at malamig na panahon. Tila ang mga ugat ng punong ito ay lumalalim pa at lumalakas.

Ang higanteng punong ito ay kumakatawan katulad ng ating buhay- Kristiyano. Lahat tayo ay haharap sa karamdaman, pagkamatay ng mga mahal sa buhay, paghihiwalay, at iba pang pagsubok. Gaano tayo katatag kapag nahaharap tayo sa kahirapan? Tayo ba ay may sapat na gulang sa pananampalataya at nakaugat nang malalim sa Salita ng Diyos upang makayanan ang lahat ng mga unos, pagbabago, at malamig na panahon sa buhay? Tinitiyak sa atin ni Jeremias na kaya tayong ingatan ng Diyos, anuman ang ating kinakaharap, basta tayo ay nagtitiwala at umaasa sa Kanya.

Ang kailangan nating bigyang pansin ay na ang mga pagpapala ng mga taong umaasa at naniniwala sa Diyos hindi lamang sa pisikal o materyal na mga bagay. Ang Diyos ay higit na nagmamalasakit sa ating pananampalataya o sa ating espirituwalidad. Nais Niyang patuloy tayong mamunga ng espirituwal na bunga na luluwalhatiin Siya.

Samakatuwid, anuman ang iyong kasalukuyang kinakaharap, manampalataya ka sa Diyos at patuloy na umasa sa Kanya. Walang problema na hindi kayang harapin ng isang mananampalataya. Tumutok sa ating espirituwal na paglago upang tayo ay maging matatag na harapin ang anumang bagay.

Pagninilay:

1. Kung ikaw ay tulad ng isang puno, anong uri ka ng puno?

2. Sa kasalukuyan ba ay matatag na upang harapin ang iba't ibang kahirapan at hamon? Ano ang mangyayari kung ikaw ay malakas at kung hindi sapat ang iyong kalakasan?

Pagsasanay:

Gawin ngayon ang isang espirituwal na pagsasanay na magpapalakas sa iyo sa espirituwal. Gawin ito nang tuluy-tuloy araw-araw. Tingnan ang mga resulta!

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Paglakad Kasama Ni Hesus (Paglago)

Ang yugto ng buhay ng bawat nilalang ay nagsisimula mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda. Ganito rin maihahambing ang ating espirituwal na kalagayan bilang mga mananampalataya. Ang pananampalataya, pananaw, at paraan ng pag-iisip ng mga mananampalataya ay dapat na wasto at husto sa gulang. Iyon ang dahilan kung bakit ang "paglago" ay isang kawili-wiling paksa ng pag-aaral.

More

http://www.bcs.org.sg