Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nabagong Pamumuhay: Sa PaskoHalimbawa

Living Changed: At Christmas

ARAW 4 NG 5

Kagalakan

Ang mga awit ng Pasko ay magpapapaniwala sa atin na ito ay ang panahon para maging masaya. Ngunit hindi lahat tayo ay mayroong dapat ikatuwa, at walang sinuman ang maaaring maging masaya sa lahat ng oras. Salamat na lang, kahit ang kaligayahan ay darating at aalis batay sa kung ano ang nangyayari sa ating buhay, maaari tayong laging magkaroon ng kagalakan.

Ang kaligayahan at kagalakan ay kadalasang ginagamit nang halinhinan sa ating kultura, ngunit hindi sila pareho. Maaaring maganda ang pakiramdam natin kapag maaliwalas ang panahon, sumusunod ang ating mga anak, nagbabakasyon tayo, o bumibili ng isang bagong sasakyan. Ang pang-ibabaw na emosyon ay kaligayahan. Ang kagalakan ay mas malalim pa. Hindi ito dahil sa isang pangyayari. Wala itong kinalaman sa mga bagay-bagay ng mundong ito. Ito ay nakabatay lamang kay Cristo. Ang kagalakan ay makikita sa ating kaligtasan at sa sakripisyong nagsiguro ng ating walang hanggan.

Sa mga huling sandali bago namatay si Jesus, isa sa mga kriminal na nakapako rin sa krus ay nagtanong kung bakit hindi iligtas ni Jesus ang Kanyang sarili kung talagang Siya ang Mesias. Ito ay isang patas na katanungan. Ang sinumang nakakita ng pagsasadula ng pagpapako sa krus ng mga taga-Roma, lalo na ang isang tao na nakakaranas ng parehong kakilakilabot na sakit, ay magtatanong ng ganito ring tanong. Bakit pipiliing tiisin ito kung hindi mo naman kailangan?

Sa isang sulat sa mga taga-Hebreo, ang Apostol Pablo ay nagsasabi na tiniis ni Jesus ang krus "para sa kagalakan na naghihintay sa Kanya.” Hindi, ang pagkamatay sa isang masakit na kamatayan para sa ating mga kasalanan ay hindi ang isang bagay na ikinatuwa ni Jesus. Siya ay dumanas ng matinding mental, emosyonal, at pisikal na pagod. Hindi Siya nagtungo sa krus nang may kaligayahan, ngunit may kagalakan. Alam ni Jesus na ang naghihintay sa Kanya ay walang hanggan kasama ang Ama at pagtitipong kasama natin. Mayroon Siyang kagalakan batid na ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay ay mapagtatagumpayan ang pagtataksil, kapighatian, sakit, at kamatayan ng mundong ito.

Mayroon tayong kagalakan dahilan din dito. Kahit sa mga mahihirap na panahon, mayroon tayong kagalakan dahil alam natin na tayo ay mayroong walang hanggang pag-asa at hinaharap. Katulad ng ipinakita ni Jesus sa atin, ang pagkakaroon ng kagalakan ay hindi nangangahulugan na hindi na natin mararanasan ang sakit. Madalas sa buhay na ito, ang kagalakan at sakit ay magkasama. Subalit, bilang mga tagasunod ni Cristo, nagagawa nating tumingin sa kabila ng sakit sa kung ano ang ipinangako sa atin at sa kabatirang may nakalaan pa ang Diyos para sa atin. Balang araw, makakasama natin Siya sa isang lugar na wala nang lungkot, pag-iyak, o sakit.

Marahil sa panahon ng kapaskuhang ito ang kaanak ng iyong asawa ay patuloy pa rin ang pagpuna, ikaw ay nasa gitna ng paghihirap sa pananalapi, o ikaw ay nakikibaka sa isang nakakatakot na sakit. Marahil nahihirapan ka lang na maging masaya. Kahit ano ang iyong pinagdaraanan ngayong Pasko, dapat mong malaman na nauunawaan ka ng Diyos. Nakikita ka Niya, mahal ka Niya, at hindi ka Niya iiwang mag-isa sa iyong mga sakit. Kahit na sa gitna ng kalungkutan, mayroon ka pa ring kagalakan dahil ang iyong walang hanggan ay ipinangako at ang Kanyang mga pangako ay totoo.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: At Christmas

Sa lahat ng kaabalahan sa kapaskuhan, maaaring madaling mawala ang paningin sa kung bakit tayo nagdiriwang. Sa 5-araw na gabay para sa adbiyento, susuriin natin ang mga pangako na tinupad sa pamamagitan ng kapanganakan ni Jesus at ang pag-asa na mayroon tayo sa hinaharap. Habang natututunan pa natin ang tungkol sa kung sino ang Diyos, matutuklasan natin kung paano mamuhay sa buong panahon ng kapaskuhan na may pag-asa, pananampalataya, kagalakan at kapayapaan.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://www.changedokc.com