Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nabagong Pamumuhay: Sa PaskoHalimbawa

Living Changed: At Christmas

ARAW 2 NG 5

Pag-asa

Bilang mga Cristiano, ipinagdiriwang natin ang Pasko bilang isang paraan upang alalahanin ang pag-asa na mayroon tayo kay Jesus. Bakit napakadaling makaramdam ng kawalan ng pag-asa sa panahong ito ng taon? Marahil ay dahil hindi natin lubos na nauunawaan kung ano ang pag-asa at saan ito nanggagaling.

Ang Jeremias 29:11 ay isa sa mga pinakapopular na talata sa Biblia tungkol sa pag-asa. Sinasabi nito, “‘Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.’”

Ang mga ito ay hindi lamang magagandang salita para ikwadro natin o ilagay sa tasa. Ito ay mga pangako mula sa Diyos para kapitan natin kapag tayo ay nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa. Kahit na ang mga salitang ito ay orihinal na para sa mga Israelita na bihag sa Babilonia, ang Diyos ay pareho pa rin ngayon katulad ng dati. Dahil ang Kanyang katangian ay pareho pa rin, makakaasa tayong ang pangakong ito ay totoo pa rin sa atin ngayon.

Sa katunayan, kung titingnan natin ang mga ito, matatagpuan natin ang mga pangako ng Diyos sa atin sa buong Lumang Tipan. Muli't muli, sa buong kuwento ng Kanyang bayan, ipinapakita ng Diyos kung sino Siya at pinapatunayan na Siya ay mapagkakatiwalaan.

Isa sa mga naunang pangako ng Diyos sa atin ay nasa Genesis nang sinabi ng Diyos na pagpapalain Niya ang lahat ng mga bansa sa lupa sa pamamagitan ni Abraham. Ang sinasabi ng Diyos ay ang Mesias ay magmumula sa lahi ni Abraham at ililigtas Niya ang lahat ng tao mula sa kanilang mga kasalanan–hindi lamang ang mga Judio, kundi ang sinuman na naniniwala sa Kanya. Pagkatapos sa Bagong Tipan, nakita natin ang katunayan na ang Diyos ay totoo sa Kanyang salita. Ang aklat ng Mateo ay nagpapakita na ang talaangkanan ni Jesus ay nagmumula kay Abraham, at ang aklat ni Juan ay nagsasabi sa atin na ang sinumang maniniwala kay Jesus ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ang ating Diyos ay tagatupad ng pangako. Siya ang ating buhay na pag-asa.

Ang pag-asa ay hindi nagmumula sa mga bagay na materyal o sa mga hungkag na pangako ng mundong ito.. Ang tunay na pag-asa ay nagmumula sa pagkaalam na makakasama natin si Jesus magpakailanman. Kumpara sa walang hanggan sa Langit, ang ating kasalukuyang sitwasyon ay kapiranggot lang at mawawala sa isang kisapmata. Bagama't hindi iyon nangangahulugan na hindi tayo makadarama ng sakit, nangangahulugan ito na maaari nating piliin na tumingin sa kabila ng ating kasalukuyang sakit tungo sa mas magandang kinabukasan na darating

Anuman ang iyong pinagdaraanan ngayong panahon ng kapaskuhan, tumingin sa mga pangako ng Diyos para sa pag-asa. Hindi ka Niya iiwan at hindi ka Niya bibiguin. Lagi ka Niyang patatawarin at laging gagabayan. Siya ang iyong kalakasan, iyong bato, at iyong proteksyon. Kapag nararamdaman mo na parang hindi ka nakagagawa ng sapat, magkaroon ng sapat, o maging sapat, tandaan na ang mga pakikipaglaban na ito ay pansamantala at ang Diyos ay marami pang nakalaan para sa iyo. Mahal na mahal ka Niya at hinahangad na maglaan ng panahon kasama mo. Tandaan na Siya ay nangako sa iyo ng isang hinaharap, at ito ay higit sa iyong kayang isipin.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: At Christmas

Sa lahat ng kaabalahan sa kapaskuhan, maaaring madaling mawala ang paningin sa kung bakit tayo nagdiriwang. Sa 5-araw na gabay para sa adbiyento, susuriin natin ang mga pangako na tinupad sa pamamagitan ng kapanganakan ni Jesus at ang pag-asa na mayroon tayo sa hinaharap. Habang natututunan pa natin ang tungkol sa kung sino ang Diyos, matutuklasan natin kung paano mamuhay sa buong panahon ng kapaskuhan na may pag-asa, pananampalataya, kagalakan at kapayapaan.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://www.changedokc.com