Nabagong Pamumuhay: Sa PaskoHalimbawa
Paghihintay
Ang panahon ng kapaskuhan ay puno ng pagkamangha at kagalakan. Maraming dapat abangan pati ang mga pailaw, pagpapalitan ng mga regalo, malalaking pagsasalo-salo ng pamilya, at mga espesyal na pagkaing nakakain lang natin sa panahong ito ng taon. Ang paghihintay at pananabik ay sumasahimpapawid habang naghahanda tayo sa pagdiriwang ng kapangakan ni Jesus.
Ganito rin ang diwa ng paghihintay sa mga Judio nang si Jesus ay ipinanganak. Sila ay umaasa sa pagdating ng Mesias. Siya na darating at magliligtas sa kanila. Sa loob ng maraming siglo, sinabi sa kanila ng Diyos ang tungkol sa Kanyang plano na ililigtas sila, at ito ay mangyayari sa isang birheng kapanganakan.
Mga 700 taon bago ipinanganak si Jesus, ang Diyos ay nangusap sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi, “Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel.”
Pagkatapos di nagtagal bago ipinanganak si Jesus, ang parehong mga salita ng propeta ay muling lumitaw. Ang anghel ay nangusap kay Jose, ang ama dito sa lupa ni Jesus, sa pamamagitang ng panaginip na nagsasabi:
“Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”
Ang lahat ng ito ay nangyari upang tuparin kung ano ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel” (na ang ibig sabihin ay “Kasama natin ang Diyos”).
Ito ay isang halimbawa lamang sa mga propesiyang natupad sa pamamagitan ng kapanganakan ni Jesus. Pagkatapos, sa kabuuan ng Kanyang ministeryo, gumawa si Jesus ng mas marami pang pangako kung ano ang darating. Sinabi Niya na Siya ay muling mabubuhay mula sa kamatayan at mapagtatagumpayan ang kasalanan. Sinabi Niya na ipadadala Niya ang Banal na Espiritu bilang isang katulong upang gumabay sa kanila. Sinabi Niya na Siya ay maghahanda ng isang lugar para sa kanila at isang araw Siya ay muling babalik para sa kanila. Dahil tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako na ipadala ang isang Tagapagligtas, ang mga tao ay naniwala sa mga pangakong ito.
Wala isa man sa mga pangako ay lumipas. Bawat isa sa kanila ay totoo pa rin para sa atin ngayon! Ganyan natin maaaring tingnan ang kapanganakan ni Jesus at malaman ang pag-asa na natupad at ang pag-asang darating. Tulad ng paghihintay ng mga Judio sa pagdating ng isang Tagapagligtas, tayo ay naghihintay sa Kanyang pagbabalik na ipinangako.
Habang dumadaan ka sa panahon ng kapaskuhang ito, manampalataya na ang mga pangako ng Diyos ay maaasahan at totoo. Hindi lamang para sa iba, kundi partikular para sa iyo. Kapag ikaw ay dumadaan sa pakikibaka, piliin na tumuon sa kung sino Siya at sa lahat na ginawa Niya para sa iyo. Sa pang-walang hanggang perspektibo, posible na mamuhay sa buong kapaskuhan na may pag-asa sa walang pag-asang mga sitwasyon, pananampalataya sa mga panahon ng pagsubok, kagalakan sa kabila ng ating mga kalagayan, at kapayapaan sa gitna ng kaguluhan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa lahat ng kaabalahan sa kapaskuhan, maaaring madaling mawala ang paningin sa kung bakit tayo nagdiriwang. Sa 5-araw na gabay para sa adbiyento, susuriin natin ang mga pangako na tinupad sa pamamagitan ng kapanganakan ni Jesus at ang pag-asa na mayroon tayo sa hinaharap. Habang natututunan pa natin ang tungkol sa kung sino ang Diyos, matutuklasan natin kung paano mamuhay sa buong panahon ng kapaskuhan na may pag-asa, pananampalataya, kagalakan at kapayapaan.
More