Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3Halimbawa
Paano tayo magiging masaya?
Ang umiibig sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at hindi siya magiging sanhi ng pagkakasala ng iba (1John 2:10)
Minsan ang isang grupo ng 50 katao ay dumalo sa isang seminar. Biglang huminto sa pagsasalita ang tagapagsalita at nagpasyang gumawa ng group activity. Nagsimula siyang magbigay ng lobo sa lahat. Hiniling sa bawat tao na isulat ang kanilang pangalan sa lobo gamit ang panulat. Pagkatapos ang lahat ng mga lobo ay nakolekta at inilagay sa isa pang silid. Ang lahat ng mga kalahok ay hiniling na pumasok sa silid at hanapin ang lobo na may pangalan nila sa loob ng 5 minuto. Sa sobrang taranta, sinubukan ng lahat na hanapin ang mga lobo na may pangalan nila,nagkabanggaan sila sa isa't isa, nagtutulakan, at nagkaroon ng kaguluhan. Pagkatapos ng 5 minuto, walang nakahanap ng kanilang lobo.
Ngayon ang lahat ay hiniling na pumili ng isang lobo nang random at ibigay ito sa may-ari nito. Sa loob ng ilang minuto ay nakuha na ng lahat ang kanilang lobo. Sabi ng tagapagsalita – Ito ang nangyayari sa ating buhay. Ang bawat tao'y balisang balisa na naghahanap ng kaligayahan kung saan-saan dahil hindi nila alam kung saan ito matatagpuan. Ang kaligayahan ay nakasalalay sa kaligayahan ng iba. Bigyan mo sila ng kaligayahan, at makukuha mo ang iyong kaligayahan. At ito ang layunin ng buhay ng tao. Hindi ba ito ang iyong hinahanap?
Pagninilay: Ang pagiging makasarili ang pinakamalaking problema kung bakit hindi nakakakuha ng kaligayahan ang tao. Ang tanging paraan para mapuno ng kaligayahan ang ating buhay ay ang sugpuin ang pagkamakasarili hanggang sa hindi na ito maghari sa ating buhay. Sikaping manalo sa labanan ng pagkamakasarili sa tuwing magsisimula itong tumaas.
Ang pag-ibig ay ang masaganang kagalakan ng Diyos na tumutugon sa mga pangangailangan ng iba nang may kagalakan.
(John Piper)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/