Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3

ARAW 3 NG 7

Nahanap ng sikat na gitarista ang kanyang tunay na layunin

Dahil pinaiinom niya ang mga nauuhaw, at pinakakain ang mga nagugutom. (Mga Awit 107:9)

Itinuring si Christopher Parkening ang pinakadakilang klasikal na gitarista sa mundo, nakamit niya ang kanyang pangarap sa musika sa edad na tatlumpung taong gulang. Noong panahong iyon, isa rin siyang world-class na mamimingwit. Ngunit nabigo ang kanyang tagumpay na magdulot ng kaligayahan. Pagod sa mga palabas at pag-record, bumili si Parkening ng isang sakahan at iniwan ang gitara. Gayunpaman, ang kanyang buhay ay naging lalong walang laman pagkatapos niyang iwanan ang lahat ng mga bagay na kanyang ikinabubuhay. Sumulat siya, "Kung dumating ka sa punto na nasa iyo na ang lahat ng gusto mo at naisip mo na lahat ng mga bagay na iyon ay makapagpapasaya sa iyo ngunit hindi mo pa rin mahanap kaligayahan, sa bandang huli ay magsisimula kang magtaka. Gaya ito ng isang gintong palayok sa dulo ng bahaghari. Nakuha ko na, at iniisip ko, "Ano pa ang kulang?"

Habang bumibisita sa mga kaibigan, nagsimba si Christopher na manampalataya kay Kristo. Nakaranas si Parking ng pagkauhaw sa salita ng Diyos at natanggap nya ang pagtutuwid ng Diyos sa knayang buhay habang binabasa ang 1 Mga Taga-Corinto 10:31, "Anuman ang iyong gawin, gawin mo ito para sa ikaluluwalhati ng Diyos." Paliwanag niya, "Napagtanto ko na dalawa lang ang alam ko: pangingisda at pagtugtog ng gitara. Ngayon ay tumutugtog ako ng gitara dahil sa biyaya ng Diyos – mayroon akong kagalakan, kapayapaan, at tagumpay sa buhay na hindi ko naranasan noon. May layunin ang aking buhay - nalaman ko ang tunay na sikreto ng tunay na kagalakan."

Binibigyan ka ng Diyos ng kagalakan sa mundong ito, hindi lamang para i-enjoy mo ito, ngunit upang gumawa ng pagbabago sa mundo at sa kapaligiran mo.

(Rick Warren)

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3

Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/