Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3

ARAW 2 NG 7

Bakit ka umakyat sa Mount Everest?

Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan. (Mga Awit 16:11)

Si George Mallory ay isang sikat na mountain climber na maaaring kauna-unahang tao na nakarating sa tuktok ng Mount Everest. Noong unang bahagi ng 1920s, pinamunuan niya ang ilang mga pagtatangka na umakyat sa bundok at namatay siya sa kanyang ika-3 pagtatangka noong 1924. Ang kanyang katawan ay natagpuan noong 1999 sa mabuting kondisyon dahil sa niyebe at yelo, 27,000 talampakan mula sa itaas ng bundok, 2,000 talampakan lamang ang layo sa tuktok ng bundok. Hindi siya sumuko. Natagpuan ang kanyang katawan na nakahandusay sa isang mabatong dalisdis, na ang kanyang ulo ay nakaturo patungo sa itaas. Nakataas ang kanyang mga kamay sa itaas ng kanyang ulo. Ang kanyang mga daliri sa paa ay nakaturo sa bundok, ang kanyang mga daliri ay nakakapit sa nakausli na bato, tumanggi siyang sumuko hanggang nalagutan siya ng hininga.Ang isang maikling lubid – na putol na – ang nakatali sa kanyang baywang.

Noong 1924 nang tanungin si Mallory kung bakit siya umakyat sa Mount Everest, sumagot siya:

"Ang unang tanong na maaring itanong mo, at ang kailangan kong sagutin ay, 'Ano ang dahilan mo sa pag-akyat sa Bundok ng Everest?' At ang aking sagot ay, 'Walang Saysay.' Walang kahit na katiting na anumang pakinabang. Oh marahil, maaari nating matutuhan ng kaunti ang tungkol sa nangyayari sa katawan ng tao sa mataas na lugar, at ang ating obserbayon ay maaaring makatulong para sa layunin ng paglalakbay sa matataas na lugar. Ngunit wala na tayong maari pang makuha dito, hindi ka makapagdadala pabalik ng kahit kaunting ginto o pilak o batong hiyas o karbon o bakal. Hindi ka rin makakahanap ng lupa na maaari mong pagtaniman ng mga pananim na mamumunga para sa pagkain. Wala itong saysay. Kaya kung hindi mo maiintindihan na mayroong isang bagay sa tao na nagnanais na tumugon sa hamon ng pag-akyat sa bundok na ito. Ito ay ang hamon ng pagpupunyagi na pumunta at harapin ang mga hamon na iyon, kasunod ng isang pakikibaka sa mismong paglalakbay paitaas, at hindi mo ito mararanasan kung hindi ka aalis at aakyat. Ang tunay na makukuha natin sa pakikipagsapalaran na ito ay kagalakan lamang.”

Hindi tayo nabubuhay sa mundong ito para lamang kumain at kumita ng pera. Kumakain tayo at kumikita tayo upang masiyahan tayo sa buhay. At iyan ang kahulugan ng buhay at layunin ng ating pamumuhay.

Pagninilay: Magpasalamat kapag mayroon pa tayong mga hamon sa buhay dahil ito ay nangangahulugan na mahal tayo ng Diyos. Sa pamamagitan ng iba't ibang hamon, ibubuhos ng Diyos ang Kanyang higit na pag-ibig, higit na kapangyarihan, at presensya.

Ang tatlong mahahalagang bagay para sa kaligayahan sa buhay na ito ay pagkakaroon ng mga bagay na dapat gawin, bagay na dapat mahalin, at bagay na ating aasahan.

(Joseph Addison)

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3

Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/