Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3

ARAW 5 NG 7

Hindi mabibili ng trabaho at tagumpay ang kaligayahan

Kaya, paglingkuran ninyo si Yahweh nang buong puso't kaluluwa. Simulan na ninyo ang pagtatayo ng santuwaryo niya upang madala na roon ang Kaban ng Tipan ni Yahweh at ang lahat ng sagradong kagamitan para sa pagsamba sa kanya.” (1 Cronica 22:19)

Si Rick Chollet ay isang matagumpay na negosyante hanggang Marso 18, 1991. Naging presidente pa siya ng Brookstone - isang mail-order na negosyo na nagawa niyang gawing pambansang retail leader na nagbebenta ng mga artisan na produkto. Gayunpaman, noong Marso 18, ni-lock ni Rick Chollet ang pinto ng garahe ng kanyang tahanan sa New Hampshire, naupo sa upuan ng kanyang BMW, at pinaandar ang makina. Nag-iwan siya ng isang liham na nagsasabing, "Ikinalulungkot ko, ngunit ang isipin na kailangan kong dumaan sa mga paghihirap ng buhay ay lubhang kalabisan sa akin.”

Ang ilang mga matagumpay na negosyante ay natatakot na hindi nila magagawang muling buuin o mapanatili ang tagumpay na kanilang tinatamasa. Si Gerald Kraines, isang psychiatrist para kay Rick Chollet, ay nagsabi, ”Tumatakbo sila sa isang treadmill kung saan hindi nila natitikman ang kanilang tagumpay dahil sa patuloy at walang katapusang pagsisikap”. Maraming mga Kristiyano ang nakadarama ng parehong sitwasyon. Iniisip nila na kailangan nilang magtrabaho nang mas mahirap para sa Diyos subalit nakalimutang magtakda ng oras upang makasama o makaulayaw Siya.

Pagninilay: Maaari tayong magtanong, paano natin matatanggap ang kagalakan na nagmumula sa Diyos at kaligayahan? Simple lang. Kailangan mong lumapit sa Diyos sa panalangin, magnilay-nilay sa Kanyang Salita, panghawakan nang mahigpit ang mga pangako sa Kanyang Salita, at pagkatapos ay magkakaroon ka ng kagalakan na hindi kalianman maaalis ng anumang bagay.

May mga taong hinahabol ang kaligayahan. At may ilang tao na pinipili ang kaligayahan.

(Robert Holden)

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3

Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/