Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3

ARAW 6 NG 7

Pagpapasalamat

Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay; at walang nakakatiyak ng kanyang sasapitin. (Jeremias 10:23)

Si John Wesley ay mga 21 taong gulang noong siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Oxford. Siya ay nagmula sa isang Kristiyanong pamilya at biniyayaan ng Diyos ng guwapong mukha at matalas na pag-iisip. Gayunpaman, sa oras na iyon, si John ay isang mayabang at sarkastikong binata. Ngunit may nangyari isang gabi na nagpabago sa puso ni Wesley. Habang nakikipag-usap sa isang porter, napagtanto ni John na ang lalaki ay nakasuot lamang ng isang amerikana at nabubuhay sa sobrang kahirapan at ni wala siyang kama na mahihigaan. Ngunit ang lalaki ay puno ng kaligayahan at pasasalamat sa Diyos. Si Wesley, na immature pa noon, ay hindi nag-iisip at nagbiro tungkol sa kamalasan ng lalaki. "At ano pa ang maaari mong ipagpasalamat sa Diyos?" sarkastikong tanong niya. Ngumiti ang porter at malumanay na sinagot si John nang may kagalakan, "Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan Niya ako ng buhay, isang puso upang mahalin Siya, at higit sa lahat, isang pagnanais na paglingkuran Siya!" Naantig, inamin ni Wesley na alam ng lalaking ito ang ibig sabihin ng pasasalamat.

Pagninilay: Isang bagay na hindi maikakaila bilang tao ay lahat tayo ay puno ng limitasyon. Kapag nabangga natin ang ating mga limitasyon at kundisyon na hindi makapagdadala sa atin sa kailangan ng ating kaluluwa, at kapag nahihirapan tayong magsaya, hilingin sa Diyos ang kagalakan na iyon! Siya lamang ang makapagbibigay nito.

Kung naniniwala ako na ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan lamang sa Diyos, isasara ko ang mga balakid at bubuksan ang Kanyang Salita.

(Randy Alcorn)

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 3

Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/