Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Diyos Ay _______Halimbawa

God Is _______

ARAW 6 NG 6

Sino ang Diyos sa Iyo?

Isipin na may dalawang magkapatid na naglalarawan sa kanilang ama. Ang isang anak ay maaaring tumuon sa kung paano nakakatawa, matatag, o mapagmahal ang kanilang ama, habang ang isa ay maaaring tumuon sa kanyang etika sa trabaho, pagiging maaasahan, o pagiging mapagpasensya. Pareho nilang inilarawan ang iisang tao, ngunit ang bawat isa sa kanila ay may mga natatanging karanasan na nakakaimpluwensya sa kung paano nila siya tinitingnan.

Gayundin naman, lahat ng mga anak ng Diyos ay may magkakaibang karanasan patungkol sa Kanya, kaya naman ang ilang mga tao ay maaaring higit na tumutok sa kabanalan at kapangyarihan ng Diyos, at ang iba naman ay sa kahabagan at awa ng Diyos. Sa alinmang paraan, ang Diyos ay isang perpektong Ama, at ang Kanyang katangian ay naaayon sa Kanyang Salita.

Ngunit personal ding inihahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa bawat isa sa atin. Iyon ang dahilan kung bakit ang paraan ng paglalarawan mo sa Diyos ay maaaring hindi eksaktong kapareho ng kung paano ilalarawan Siya ng isang kaibigan, at okay lang iyon! Ang pangunahing bagay ay nais nating laging tiyakin na ang ating pananaw sa Diyos ay tumutugma sa Kanyang Salita.

Dahil sa pagkakita sa Diyos na gumagawa sa ating buhay sa iba't ibang paraan, ang pagsasama-sama ay nagbibigay sa atin ng mas buong larawan kung sino Siya. Marahil sa panahon ng karamdaman, naranasan mo ang Diyos bilang Tagapagpagaling, habang ang iyong kaibigan ay may isang kamangha-manghang kuwento tungkol sa Diyos bilang kanyang Tagapagbigay. Ang mga karanasang ito ay nagpapatibay sa ating pananampalataya at tumutulong sa atin na mas malaman kung sino ang Diyos.

Ang aklat ng Mga Awit ay nagbibigay ng magandang halimbawa nito. Matatagpuan natin ang mga awit ng panaghoy at mga awit ng papuri rin, na ang bawat isa ay nakatuon sa iba't ibang bagay tungkol sa Diyos. Natutuklasan natin ang isang Diyos na Mang-aaliw at isang Kanlungan sa panahon ng kaguluhan at isang Diyos din na pinagmumulan ng ating kagalakan.

Nagkakaproblema kapag ibinase natin ang ating pananaw sa Diyos sa ating mga kalagayan sa halip na hanapin ang Diyos sa gitna nito. Kapag tinitingnan natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga personal na damdamin sa isang partikular na sandali, makakahanap tayo ng isang diyos na katulad natin. O lilikha tayo ng diyos na umiiral para magsilbi sa ating layunin.

Ngunit kapag pinili nating isaalang-alang ang tunay na katangian ng Diyos sa gitna ng ating mga kalagayan, doon tayo makakatagpo ng pag-asa, kapayapaan, kaaliwan, at kagalakan.

Kaya, sino ang Diyos sa iyo?

Ang paghahanap ng sagot na iyon ay maaaaring maging isang panghabambuhay na hangarin, ngunit ito ang magiging pinakamahalagang tanong na pag-iisipan natin.

Manalangin: Diyos, salamat dahil Ikaw ay walang hanggan at malapit. Kilala Kita bilang ______, at naniniwala ako na Ikaw ay _____. Tulungan Mo akong itama at harapin ang anumang mga kasinungalingang pinaniniwalaan ko pa rin tungkol sa Iyo, at bigyan Mo ako ng higit pang mga karanasan na nagpapakita sa akin ng Iyong tunay na katangian. Tulungan mo akong ihinto ang pagbabase ng pagtingin ko sa Iyo sa mga pangyayari sa buhay ko at sa halip ay simulan ang paghahanap sa Iyo sa gitna ng mga ito. Sa pangalan ni Jesus, amen.

Hamon: Bumalik sa iyong listahan mula sa unang araw. Ano pa ang idadagdag mo? Isipin ang anumang mga personal na karanasan mo sa Diyos na may kaugnayan sa bawat katangian. Gumawa ng mga tala tungkol sa mga ito upang paalalahanan ang iyong sarili kapag nagsimula kang magtanong sa Kanyang katangian.

Ang Gabay sa Biblia na ito ay kasama ng isang serye ng mensahe mula sa Life.Church kasama si Pastor Craig Groeschel. Maghanap ng higit pa sa www.life.church/Godis

Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

God Is _______

Sino ang Diyos? Lahat tayo ay mayroong iba't-ibang kasagutan, ngunit paano natin malalaman ang totoo? Anuman ang iyong naging karanasan sa Diyos, sa mga Cristiano, o maging sa simbahan, ito na ang oras upang tuklasin ang Diyos para sa kung sino talaga Siya—tunay, buhay at handang katagpuin ka nasaan ka man. Gawin ang unang hakbang sa 6-na araw na Gabay sa Biblia kasama ang serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel's, Ang Diyos ay _______.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/