Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Diyos Ay _______Halimbawa

God Is _______

ARAW 3 NG 6

Ang Diyos ay Mapagkakatiwalaan

“Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas.” ‭‭Mga Hebreo 13:8 RTPV05

May nagsinungaling na ba sa iyo, nagtaksil sa iyo, o sinira ang iyong tiwala? Malamang, nangyari ito sa isang punto ng iyong buhay, at malamang na mangyari muli ito sa hinaharap. Bakit? Dahil hindi perpekto ang mga tao.

Sinisikap natin ang ating makakaya na tuparin ang ating salita, tuparin ang ating mga pangako, at maging isang taong mapagkakatiwalaan, ngunit sa isang punto, lahat tayo ay hindi maiiwasang magkamali. Tungkol man ito sa kabiguang makapagsumite ng gawain sa takdang araw o pagsira ng pangako sa isang kaibigan, lahat tayo ay hindi maiiwasang masira ang tiwala sa ating mga relasyon.

Ang maranasan ang nasirang tiwala ay napakasakit hindi lamang sa sandaling panahon kundi nakakasira din sa katagalan. Sa katunayan, may malawak na pananaliksik sa neuroscience tungkol sa epekto ng nasirang tiwala sa ating utak, katawan, at relasyon.

Ang ating mga utak ay nakaprogramang magtiwala sa iba, at kapag nagtiwala tayo, naglalabas tayo ng oxytocin, na tinatawag ng mga siyentipiko na "kemikal ng pag-ibig" o maaari ring "ang elixir ng pagtitiwala." Ang paglabas ng kemikal na ito sa ating utak ay nagdudulot sa atin ng pagtaas ng tiwala, kaya kung mas maraming karanasan ang mayroon tayo na may positibong pagtitiwala, mas handa tayong magtiwala sa iba.

Gayunpaman, totoo rin ang kabaligtaran. Kapag sinira ng isang tao ang ating tiwala, pinasisigla nito ang bahagi ng utak na nagdudulot ng takot, na ginagawang mas mahirap magtiwala sa hinaharap.

Kaya pagdating sa pagtitiwala sa Diyos, madalas tayong natutukso na igawad ang mga nakaraang karanasan sa mga hindi perpektong tao sa mga kasalukuyan nating karanasan sa isang perpektong Diyos.

Siguro, mahirap para sa iyo na magtiwala sa Diyos dahil nasaktan ka ng isang magulang o awtoridad. O baka mahirap para sa iyo na magtiwala sa Diyos dahil may nangyaring kakila-kilabot sa iyong buhay, at parang hindi sinagot ng Diyos ang iyong panalangin na pigilan ito.

At habang totoo ang sakit ng mga karanasang ito, hindi nito binabago ang katotohanan tungkol sa kung sino ang Diyos. Siya lang ang lubos na mapagkakatiwalaan. Tingnan natin kung ano ang sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan tungkol sa kung bakit tayo maaaring magtiwala sa Diyos:

  • Siya ay hindi kailanman nagbabago. Hindi tulad ng mga tao, na maaaring magbago ng isip anumang oras, ang Diyos ay hindi kailanman magbabago ng Kanyang isip tungkol sa Kanyang pag-ibig para sa iyo o sa Kanyang mabubuting plano para sa iyo. Siya ay hindi pabago-bago, at ang Kanyang pag-ibig ay matatag. (Tingnan ang Malakias 3:6 at Hebreo 13:8.)
  • Hindi Niya tayo iniiwan ni pinababayaan man. Walang anumang bagay na magagawa mo ang makakapagpapalayo sa iyo sa Diyos. Ang Kanyang presensya ay laging kasama natin, at anuman ang mangyari sa atin, Siya ay makakasama natin sa lahat ng ito. (Tingnan ang Hebreo 13:5 at Mga Taga-Roma 8:39.)
  • Lagi siyang gumagawa para sa ating ikabubuti. Kahit na nakakaranas tayo ng sakit sa buhay na ito, ang Diyos ay maaaring lumikha ng kagandahan mula sa abo. Dalubhasa Siya sa pagpapanumbalik at pagtubos, at maaari Niyang bigyan ng layunin ang ating sakit. (Tingnan ang Mga Taga-Roma 8:28, Isaias 61:1-3.)

Gaano man karaming beses na binigo ka ng ibang tao, hinding-hindi gagawin ito ng Diyos. Hindi ka Niya iiwan, at karapat-dapat Siya sa iyong pagtitiwala.

Manalangin: O Diyos, minsan mahirap para sa akin na magtiwala sa Iyo dahil _________. Maaari Mo ba akong tulungan upang malampasan ang hadlang na iyon at lubos na magtiwala sa Iyo? Salamat sa pagiging ganap na mapagkakatiwalaan. Patuloy na patatagin ang aking pananampalataya at pagtitiwala sa kung sino Ka, at salamat sa paggawa sa lahat ng bagay upang maisakatuparan ang Iyong kabutihan. Sa pangalan ni Jesus, amen.

Hamon: Maglaan ng ilang oras upang ipagdasal at tukuyin ang anumang bahagi ng iyong buhay kung saan hindi ka lubos na nagtitiwala sa Diyos. Pagkatapos, isuko ang mga bagay na iyon sa Kanya. Maaari mo ring isulat ang mga ito at ilagay sa isang lalagyan para maging simbolo na ibinibigay mo ito sa Diyos.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

God Is _______

Sino ang Diyos? Lahat tayo ay mayroong iba't-ibang kasagutan, ngunit paano natin malalaman ang totoo? Anuman ang iyong naging karanasan sa Diyos, sa mga Cristiano, o maging sa simbahan, ito na ang oras upang tuklasin ang Diyos para sa kung sino talaga Siya—tunay, buhay at handang katagpuin ka nasaan ka man. Gawin ang unang hakbang sa 6-na araw na Gabay sa Biblia kasama ang serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel's, Ang Diyos ay _______.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/