Ang Diyos Ay _______Halimbawa
Ang Diyos Ay Narito
"…ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon."Mateo 28:20 RTPV05
Noon pa man ay nais ng Diyos na magkaroon ng kaugnayan sa mga tao, at nakikita natin ang pagnanais na iyon sa iba't ibang paraan sa paglipas ng panahon.
Sa simula, ang Diyos ay namumuhay at lumalakad kasama sina Adan at Eva sa Halamanan. Noong nagkasala sila, sinira nito ang relasyon natin sa Kanya ngunit hindi napigilan ang plano Niya na maging malapit sa atin.
Ipinadala ng Diyos Ama si Jesus sa lupa upang ayusin ang ating relasyon sa Kanya, at sa isa sa mga huling pahayag ni Jesus sa lupa, nangako Siya na makakasama natin Siya palagi. Higit pa rito, ipinangako Niya sa Kanyang mga tagasunod na tatanggapin nila ang Banal na Espiritu, na magiging Diyos para sa atin.
Kapag sumusunod tayo kay Jesus, ang Banal na Espiritu ng Diyos ay hindi lamang kasama natin—Siya ay nasa atin. Sa Lumang Tipan, kaialngang pumunta ng mga tao sa templo upang maranasan ang presensya ng Diyos. Ngunit ngayon, kapag tinanggap natin si Jesus, tayo ang mga templo kung saan nananahan ang Espiritu ng Diyos.
Sa buong panahon na iyon, ninais ng Diyos na maging malapit sa atin, at sa pamamagitan ni Jesus, iyan ay naging totoong muli. At bagama't sabik tayong naghihintay sa araw kung saan babaguhin ng Diyos ang lahat ng bagay upang makasama natin Siya sa Kanyang perpektong kaharian, hindi tayo basta-basta naghihintay lamang hanggang mangyari iyon. Binigyan tayo ng Diyos ng gawaing dapat gawin.
Sa simula pa lang, gusto na Niyang mamuno ang mga tao sa sangnilikha. Binigyan Niya tayo ng mga regalo at atas na gawin ang Kanyang gawain habang narito sa lupa, kaya ang kaligtasan ay hindi lamang isang tiket patungo sa langit—ito ay isang paanyaya na magtrabaho upang higit na maranasan ang langit dito sa lupa.
At habang ginagawa natin ito, hindi tayo gagawa gamit ang sarili nating mahinang kapangyarihan. Makikituwang tayo sa Diyos, habang umaasa sa Kanyang Espiritu na nasa atin para gawin ang anumang bagay. Hiwalay sa Diyos, wala tayong magagawa, ngunit bilang mga templo ng buhay na Diyos kasama ang Kanyang Espiritu na nabubuhay sa atin, mas marami tayong magagawa kaysa inaakala nating posible.
Madalas tayong natutukso na isipin ang Diyos bilang isang malayong nilalang sa langit, tinutukoy pa nga natin Siya bilang "ang malaking tao sa itaas." Ngunit ang Diyos ay narito.
At kapag alam natin na ang presensya ng Diyos ay kasama natin at nasa atin, maaari nating gawin ang layunin na mayroon Siya para sa atin—ibahagi ang Kanyang mabuting balita sa iba at magdala ng higit pa sa Kanyang kabutihan dito sa lupa.
Manalangin: O Diyos, salamat na sa pag-anyaya ko kay Jesus sa aking buhay, Hindi lang Kita kasama kundi nasa akin Ka pa! Hinihiling ko na ang Iyong Banal na Espiritu ay gabayan ako at gabayan ako sa araw na ito. Ipakita Mo sa akin kung paanong dalhin ang Iyong kaharian dito sa lupa, at salamat sa pakikipagtulungan sa mga tao upang gawin ang Iyong kalooban. Nagtitiwala ako sa Iyo, at hinihiling ko ang higit na kamalayan sa Iyong presensya ngayon. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Hamon: Habang sumasandal ka sa presensya ng Diyos ngayon, bigyang-pansin ang anumang bagay na sa tingin mo ay hinihimok ka ng Espiritu na gawin, pagkatapos ay humingi sa Kanya ng lakas ng loob na gawin ito!
Tungkol sa Gabay na ito
Sino ang Diyos? Lahat tayo ay mayroong iba't-ibang kasagutan, ngunit paano natin malalaman ang totoo? Anuman ang iyong naging karanasan sa Diyos, sa mga Cristiano, o maging sa simbahan, ito na ang oras upang tuklasin ang Diyos para sa kung sino talaga Siya—tunay, buhay at handang katagpuin ka nasaan ka man. Gawin ang unang hakbang sa 6-na araw na Gabay sa Biblia kasama ang serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel's, Ang Diyos ay _______.
More