Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtanggap sa Iyong PagkakakilanlanHalimbawa

Embracing Your Identity

ARAW 5 NG 5

Nang si Jacob ay natapos sa kanyang pakikipagbuno sa Diyos, umalis siyang may pilay. Ngunit ang kanyang bagong pilay ay higit pa sa pagiging pisikal; ito ay tanda ng kanyang bagong pagkakakilanlan. Ito ay simbolo na siya na ngayon si Israel, ang ama ng isang bansa, at ito ay natatangi sa kanya.

Kapag itinalaga mo ang sarili mo sa paglalakbay, malamang na kaharapin mo ang sarili mong pakikipagbuno. At malamang na, lalabas ka rito ng may espirituwal na pagkapilay; isang bagay kung saan makikilala ang iyong pakikipagbuno. Hindi nito hangaring mapinsala ka o maging kahinaan mo ito kundi maging tanda o paalala na kakaiba ka na ngayon. Ikaw na IKAW!

Ikaw ay natatangi, at iyan ay sinasabi ko nang may buong katapatan. Noong binuo ka ng Diyos sa sinapupunan ng iyong ina, ginawa ka Niya nang puspusan at buong ingat. Batid Niya ang mga kaloob na hinabi sa iyo at ang mga karanasang maghuhubog sa iyo, kasama na ang mahihirap na karanasan. Batid ng Diyos kung anong magiging papel mo sa iglesia niCristo at ito ay natatanging para sa iyo lamang.

Kung minsan ay nadadala tayo sa ginagawa ng ibang tao o sa kung paano silang ginagamit. Ninanais nating taglayin ang kanilang mga talento o ang mga pagkakataong naibibigay sa kanila o kaya naman ay ang kanilang tungkulin sa iglesia ni Cristo. Gayunpaman, ang landas na dinadaanan nila ay hindi para sa iyo...at ang sa iyo naman ay hindi para sa kanila. Huwag mong piliting gayahin sila--tanggapin mo kung sino ka. Tanggapin mo ang sarili mo nang isang daang porsiyento dahil walang makakagawa nito kundi ikaw!

Gustung-gusto ko ang paraan ng pagkakasalin ng bersyon ng The Message sa Mga Taga-Galacia 6:4-5:

“Make a careful exploration of who you are and the work you have been given, and then sink yourself into that. Don’t be impressed with yourself. Don’t compare yourself with others. Each of you must take responsibility for doing the creative best you can with your own life.”

Wala akong maisip na mas mabuting paraan kung paano tatapusin ang babasahing gabay na ito at udyukan ka sa paglalakbay mo sa iyong pagkakakilanlan maliban sa pag-iiwan sa iyo ng mga salitang ito. Gumawa ka ng maingat na pagsasaliksik upang malaman kung sino ka at kung anong bahagi ang iyong ginagampanan sa katawan, at pagkatapos ay dito ka bumulusok. Huwag mong piliting maging ibang tao ka...maging ikaw ka!
Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Embracing Your Identity

Nararamdaman mo ba minsan na hindi mo na matagpuan ang sarili mo o kaya naman ay parang may mga nakatatak sa iyong tila hindi naman naangkop? Marahil ay nagsusumikap kang hanapin ang tunay na "ikaw" na maaari mong tanggapin. Ang babasahing gabay na ito ay isang paglalakbay sa Banal na Kasulatan upang maiwaksi ang mga tatak na ito at maging buong-buo ka sa pagiging ikaw. Magsimula ka ngayong araw na ito at pag-aralan mong tanggapin ang iyong pagkakakilanlan!

More

Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: brittanyrust.com