Pagtanggap sa Iyong PagkakakilanlanHalimbawa
Sa pagsisimula mo sa paglalakbay na ito, may ilang mga bagay na dapat mong iwasan kung ninanais mong matagpuan kung sino ka talaga. Alam mo, ayaw ng kaaway na tanggapin mo kung sino ka talaga. Mas gusto niyang dalhin mo ang mga tatak na pumipigil sa iyong makamtan ang lahat ng ninanais ng Diyos para sa iyo at gagawin niya ang lahat upang matiyak na hindi ito mangyayari.
Naririto ang 3 "hindi dapat gawin" sa paglalakbay mo tungo sa iyong pagkakakilanlan:
1. Huwag Kang Lumihis Sa Paglalakbay Na Ginagawa. Muli, walang ibang gugustuhin ang kaaway kundi ang hadlangan ka sa iyong paglalakbay. Ang panghihina ng loob, kawalang-pag-asa, at kabiguan ay maaaring lumitaw sa iyong paglalakbay, at kung hindi ka matatag, gagamitin niya ang mga hadlang na ito sa daan upang pigilan kang marating ang iyong pagkakakilanlan. Kapag nararanasan mo ang mga sandaling ganito, huwag mong hayaang ikaw ay malihis kundi sa halip ay magpatuloy ka sa landas na tinatahak at maging masigasig na maipagpatuloy ang iyong paglalakbay.
2. Huwag Makipagkompromiso. Matutukso kang mag-shortcut o kaya ay madaliin ang anumang proseso kung saan kakaharapin mo ang nakaraan o kaya naman ay ang sakit na naranasan mo. Mas madaling makipagkompromiso ngunit hindi ito magiging kasiya-siya; ang anumang mabuting bagay ay nangangailangan ng tapang ng loob upang makuha mo. Manatiling totoo sa bagong ikaw. Tandaan mo, wala na ang dating pagkatao at ito ay napalitan na ng bago! Huwag maging alipin ng kasalanan, kung saan ang pakikipagkompromiso ay madalas na nalilihis.
3. Huwag Mong Hayaan Ang Sinumang Sabihin Sa Iyo Kung Sino Ka. Hinayaan ni Jacob si Rebeca na sabihin sa kanya kung sino siya kahit hindi ito tumutugma. Malamang na may mga tao sa buhay mong nagnanais na magsabi sa iyo kung ano ang nararapat sa iyo o kung anong direksyon ang dapat mong tahakin. Maaari pa ngang tila hindi naman ito makapipinsala o kaya naman ay makakabuti ito sa sandaling iyon, ngunit kung hindi siya naaakma sa iyo, huwag mo itong gawin. Maaaring gusto ng mga magulang mong mag-aral ka sa kolehiyo kung saan sila nag-aral ngunit maaaring hindi ito tugma para sa iyong hinaharap. Maaaring ikaw ang napipili para sa isang bagong tungkulin sa iyong trabaho at bagaman mahusay ka sa posisyon mo ngayon, batid mong ang bagong tungkuling ito ay hindi angkop sa iyong mga talento at pangarap. Anupaman iyon, huwag kang agad-agad na pumapayag sa kung anong sinasabi ng ibang taong kailangan mong gawin.
Ang Mga Taga-Roma 6:6 ay isang makapangyarihang pagpapaalala sa atin na tayo ay bagong nilalang na at kailangan nating manatili sa landas na dinadaanan, at huwag nang muling dalawin o balikan ang ating dating buhay. Manatili sa iyong landas at matatagpuan mo ang iyong pagkakakilanlan!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nararamdaman mo ba minsan na hindi mo na matagpuan ang sarili mo o kaya naman ay parang may mga nakatatak sa iyong tila hindi naman naangkop? Marahil ay nagsusumikap kang hanapin ang tunay na "ikaw" na maaari mong tanggapin. Ang babasahing gabay na ito ay isang paglalakbay sa Banal na Kasulatan upang maiwaksi ang mga tatak na ito at maging buong-buo ka sa pagiging ikaw. Magsimula ka ngayong araw na ito at pag-aralan mong tanggapin ang iyong pagkakakilanlan!
More
Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: brittanyrust.com