Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtanggap sa Iyong PagkakakilanlanHalimbawa

Embracing Your Identity

ARAW 4 NG 5

Italaga ang Sarili sa Paglalakbay

Kung gusto mong matagpuan ang iyong tunay na pagkakakilanlan, lubos mong italaga ang sarili mo sa paglalakbay! Katulad ng ating natuklasan sa mga nakaraang araw, may mga pagkaantala, pag-aatubili ng ibang tao, mga hadlang mula sa kaaway, at mga araw na puno ng pagsubok na tatangkain kang ilihis sa iyong tinatahak na landas. Ngunit kung nais mong matagpuan ang totoong ikaw, kakailanganin mong italaga ang sarili mo rito!

Ang Mga Hebreo 10:35-36 ay ilan sa mga paboritong bersikulo ko sa Biblia; Binibigkas ko ito sa sarili ko sa tuwina! Isang magandang paalala ito na kailangang magtiwala sa Diyos at magkaroon ng kalakasan ng loob, pagtitiis, pagtitiyagang hindi lumihis sa landas na tinatahak, at isang pangakong may gantimpala para sa ating katapatan.

Tanggapin mo ang dalawang bersikulong ito sa iyong paglalakbay para sa iyong pagkakakilanlan at hayaan mong pasanin ka nito sa mga panahon ng kagipitan kung kailan nais mo nang sumuko na lamang.

Ang totoo, ang mga panahon ng kagipitan ay isang paraan upang lumabas ang totoong ikaw. Kapag mahirap ang buhay, nakakaya nating harapin kung sino talaga tayo at kung anong direksyon ang nais nating tahakin. Para sa akin, ang mga pinakamadilim na panahon ng aking buhay ay siyang nagdala sa akin sa kahustuhan ng gulang higit sa alin mang panahon--mas mabuti pa kaysa sa mabuti. Huwag mong sayangin ang mga panahon kung saan naroroon ang pinakamalaking pagkakataon upang mailabas ang tunay na ikaw.

Anuman ang pagtapusan ng iyong paglalakbay upang matagpuan ang iyong pagkakakilanlan, yakapin mo ito, Gamitin mo ang mga pagkakataon upang dumating ka sa kahustuhan ng gulang at mailabas nito ang pinakamabuti sa iyo. Magpapasalamat kang ginawa mo ito!

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Embracing Your Identity

Nararamdaman mo ba minsan na hindi mo na matagpuan ang sarili mo o kaya naman ay parang may mga nakatatak sa iyong tila hindi naman naangkop? Marahil ay nagsusumikap kang hanapin ang tunay na "ikaw" na maaari mong tanggapin. Ang babasahing gabay na ito ay isang paglalakbay sa Banal na Kasulatan upang maiwaksi ang mga tatak na ito at maging buong-buo ka sa pagiging ikaw. Magsimula ka ngayong araw na ito at pag-aralan mong tanggapin ang iyong pagkakakilanlan!

More

Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: brittanyrust.com