Pagtanggap sa Iyong PagkakakilanlanHalimbawa
![Embracing Your Identity](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F2965%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Problema sa Pagkakakilanlan
Si Jacob ay may kinaharap na suliranin sa kanyang pagkakakilanlan. Sa loob ng maraming taon ay nakilala siya bilang nakababata sa kanyang kakambal, mahigpit ang pagkakahawak sa sakong ng kanyang kapatid sa pagnanasang mapasakanya ang papel ng pagiging panganay. Mas itinatangi siya ng kanyang inang si Rebeca kaysa sa kanyang kapatid at ninanais nitong masiguradong may pagpapala siya, anuman ang kabayaran. Ginugol ng kanyang ina ang mga panahong hinuhubog niya si Jacob hanggang sa ito ay sumapit sa sapat na gulang sa pagpupunyaging mapalaki siya ayon sa kanyang ninanais para sa anak niya.
Sa loob ng mahabang panahon, si Jacob ay nakiayon lamang dito. Inangkin niya ang mga inaasam ng kanyang ina para sa kanya at lubos na nagsumikap upang maging isang taong hindi naman talaga siya. Ang pagkakilanlan ni Jacob ay nakapaloob sa pananaw ng kanyang ina sa kanya at sa ipinipilit nitong maging kung sino siya.
Ang lahat ng ito ay nagbago sa Genesis 27 nang nakawin ni Jacob ang pagpapalang dapat sana ay sa kapatid niya. Bunga ng kanyang kapasyahan at panlilinlang, tumakas siya sa nag-iisang tahanan at pamilyang nakalakihan niya. Dito na kinailangang harapin ni Jacob ang suliranin sa kung sino talaga siya. Dadalhin ba niya ang mga tatak na mayroon siya sa kanyang bagong mundo o pipiliin ba niyang makilala ayon sa kagustuhan niya?
Dinala ng Diyos si Jacob sa isang mahirap ngunit tunay ngang kapaki-pakinabang na panahon upang matuklasan niya kung sino siya talaga at kung ano ang nakatalagang gawin niya. Nakatanggap siya ng pakikitungo at panlilinlang mula sa kanyang biyenang lalaki na tulad sa ginawa niya sa nakaraan, na natitiyak kong isang malaking pagmumulat sa kung ano ang ninanais niyang mangyari sa buhay niya.
Kinaharap ni Jacob ang kanyang problema sa pagkakilanlan sa kanyang pagtanda at pinili niyang huwag tanggapin ang mga tatak na ibinigay sa kanya at sa halip ay maging kung sino talaga siya at kung sino siya ayon sa sinasabi ng Diyos sa kanya. Sa katunayan, nakipagbuno siya sa Diyos dala-dala ang kanyang bagong pagkakilanlan at umalis siyang kakaibang nilalang.
Tinatakan si Jacob na "manghihila ng sakong" noong siya ay isinilang, ngunit pagkatapos niyang makipagbuno sa Diyos, napalitan ang kanyang pangalan. Ang matagal nang nakatatak sa kanya ay naalis at ang natira ay ang tunay niyang pagkakilanlan at layunin--ang maging ama ng isang bansa.
Habang binabasa mo ito, sinisimulan mo ang iyong sariling paglalakbay sa iyong pagkakilanlan. Magpapatuloy ka bang mabuhay dala-dala ang mga tatak na inilagay sa iyo o pipiliin mo bang magsiyasat at tanggapin ang tunay na ikaw?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Embracing Your Identity](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F2965%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Nararamdaman mo ba minsan na hindi mo na matagpuan ang sarili mo o kaya naman ay parang may mga nakatatak sa iyong tila hindi naman naangkop? Marahil ay nagsusumikap kang hanapin ang tunay na "ikaw" na maaari mong tanggapin. Ang babasahing gabay na ito ay isang paglalakbay sa Banal na Kasulatan upang maiwaksi ang mga tatak na ito at maging buong-buo ka sa pagiging ikaw. Magsimula ka ngayong araw na ito at pag-aralan mong tanggapin ang iyong pagkakakilanlan!
More
Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: brittanyrust.com