Pagtanggap sa Iyong PagkakakilanlanHalimbawa
Mga Tatak
Marami na akong mga naging tatak sa buhay ko--tahimik, tapat, mapagkakatiwalaang panganay na anak, hindi matatag, hindi karapat-dapat--hindi matatapos ang nasa listahan. Sa kasamaang palad, sa pagdaan ng panahon ay inangkin ko ang mga bagay na sinabi at pinaniwalaan nila tungkol sa akin, kahit na sa kaibuturan ko ay hindi ito angkop o kaya naman ay hindi ko ito gusto.
Maging sa huling anim na taon kung saan tinahak ko ang isang napakahirap na paglalakbay sa pinakamadilim na panahon ng aking buhay, nagpumiglas ako sa mga tatak na ibinulong sa akin ng kaaway. Wasak na wasak ako, hindi na kayang iligtas, walang silbi, at isang kabiguan sa Diyos at sa mga taong kinakalinga ko.
Gayunpaman, may nagsimulang mabago sa akin habang inaayos ko ang mga kaguluhan at sinisikap na matamo ang pagpapagaling ng Diyos sa panahong iyon. Pinahintulutan kong wasakin ng mga sinasabi ng Diyos sa Kanyang Salita ang mga tatak na inilagay ng kaaway sa akin. Nagsimula akong makita kung sino ako kay Cristo at ang kapangyarihan ng krus upang tubusin ang aking buhay.
Sa pagpapahintulot kong ito, hindi lamang nasira ang mga tatak na kamakailan lamang ginawa, kundi maging ang mga lumang tatak na parang mga kadenang nangangalawang. Sinimulan kong pakawalan ang masasakit na salita at paglalarawang sinabi laban sa akin sa loob ng ilang dekada, at nagsimula akong makita ang aking pagkakakilanlan.
Marahil ay may mga sarili kang tatak: magulang, walang pag-asa, tinanggihan, asawa, nakalimutan, kawani, hindi minamahal. Maaaring ang mga ito ay mga salitang sinabi sa iyo ng mga tao o mga peklat na nagpapaalala ng mga sugat. Anuman ang mga ito, umaalingawngaw sila na parang sirang plaka sa iyong isipan at nagsimula na silang tukuyin kung sino ka. Sa katunayan, natatagpuan mong doon ka na nananahan sa halip na sa Salita ng Diyos.
Isang tatak na maaari mong angkinin ay ang pagiging "anak ng Diyos. Ang bersikulo sa araw na ito ay isang paalala na sobra-sobra ang pagmamahal na ibinigay sa iyo ng Diyos simula pa lamang nang ikaw ay Kanyang likhain, sa bawat pagbabagong nangyari sa iyo, at habang binabasa mo ito ngayon.
Ang babasahing gabay na ito ay tutulong sa iyo upang hindi mo tingnan ang mga negatibong tatak at simulan mong makita ang sarili mo sa bagong pananaw. Ang aking panalangin ngayon ay ang simulan mo ang iyong paglalakbay upang matagpuan mo ang tunay mong pagkakakilanlan kay Cristo. Sa totoo lamang, bagama't hinubog ka ng iyong nakaraan, hindi ito ang dapat magpasya kung sino ka talaga. Ang kapaliwanagan kung sino kang talaga ay nasa Manlilikha ng sandaigdigan at nasa sa iyo ang kapasyahan kung anong nais mong kahantungan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nararamdaman mo ba minsan na hindi mo na matagpuan ang sarili mo o kaya naman ay parang may mga nakatatak sa iyong tila hindi naman naangkop? Marahil ay nagsusumikap kang hanapin ang tunay na "ikaw" na maaari mong tanggapin. Ang babasahing gabay na ito ay isang paglalakbay sa Banal na Kasulatan upang maiwaksi ang mga tatak na ito at maging buong-buo ka sa pagiging ikaw. Magsimula ka ngayong araw na ito at pag-aralan mong tanggapin ang iyong pagkakakilanlan!
More
Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: brittanyrust.com