Mas Matapang: Isang Pagtingin sa Mapangahas na Pananampalataya ng mga Hindi Perpektong TaoHalimbawa
![Bolder: A Look at the Audacious Faith of Imperfect People](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F29405%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Araw 6: Babaeng Gumaling
Sina Mateo, Marcos, at Lucas ay nagbigay ng ulat tungkol sa partikular na babaeng ito na naghahanap ng pagpapagaling mula kay Jesus. Natatakot siyang humingi ng kagalingan mula kay Jesus, kaya hinawakan na lang niya ang laylayan ng damit nito, na nagtitiwalang may sapat na kapangyarihan si Jesus upang magpagaling sa ganitong paraan. Sandaling lumagay sa sitwasyon ng babae. May sakit siya sa loob ng labindalawang taon. Isipin ang isang taong kilala mo na labindalawang taong gulang, o marahil ikaw ay labindalawang taong gulang ngayon. Iyan ang kanilang (o ang iyong) buong buhay! Kahit gaano ka pa katanda, ang labindalawang taon ay mahabang panahon para magkasakit. Ang sakit ng babae ay naging sanhi ng kanyang pagdurugo. Sa usapang medikal, nangangahulugan ito na malamang na lagi siyang pagod, at hindi magawa ang mga normal na pang-araw-araw na gawain nang madalas. Sa relihiyon, bilang isang Judio, nangangahulugan ito na siya ay "marumi" at hindi maaaring lumahok sa ilan sa mga aktibidad sa relihiyon—sa loob ng labindalawang taon. Isipin ang pagod at pangungulila na naramdaman niya. Higit pa riyan, walang doktor ang nakatulong sa kanya, at wala na siyang natitirang pera para subukan ang iba pa. Ano pa ang maaaring gawin?
Napadaan si Jesus sa bayan, dahil hiniling ng isang mayaman at mahalagang lalaki na pumunta sa kanyang bahay upang pagalingin ang kanyang anak na babae. Batid na ng babae ang tungkol kay Jesus at kung ano ang magagawa Niya habang umaasa siya na ang paghawak sa Kanyang mga damit ay magpapagaling sa kanya. Sinisikap man niyang huwag abalahin si Jesus o nahihiya na humingi ng tulong sa Kanya (o pareho niyang nararamdaman ang mga ito), ipinagpatuloy niya--at gumana ito! Namangha siya, at tila nais na manatiling hindi napapansin, ngunit si Jesus ay tumigil sa Kanyang ginagawa upang direktang makipag-usap sa kanya.
Ngayon isipin ang sandaling iyon. Sinusubukan mong hindi ka mapansin, nakuha mo na kung anong ipinunta mo doon, at pagkatapos ay pinatigil ni Jesus ang mga tao at nagtanong, "Sino ang humipo sa akin?" Kung tatakbo ka, baka mahalata ka. Kung tumingin ka sa paligid na parang hindi ikaw, malalaman pa rin, at pagkatapos ay lalo pang lalala kapag tinawag ka at wala kang sinabing anuman? Nagpasya ang babae na umamin at, habang nakayuko ang kanyang mga mata, sinabi niyang siya iyon—sa harap ng lahat. Para sa atin na nagkaroon ng pagkakataong magbasa ng Biblia at nakita kung paano tinatrato ni Jesus ang mga tao, hindi tayo nagulat sa mabait na tugon ni Jesus, ngunit malamang na ang babaeng ito at ang mga nakapaligid sa kanya ay hindi ito ang inaasahan. Sandaling huminto si Jesus habang Siya'y minamadali para tumulong sa iba upang makipag-usap sa babae, at pinuri ito dahil sa kanyang pananampalataya. Sinabi ni Jesus na ang kanyang pananampalataya ang nagpagaling sa kanya. Ang kanyang pananampalataya? Sinubukan niyang hindi magpakilala, magtago, hangga't maaari. Ayaw niyang makatawag ng pansin at maaaring desperado na siya; maaaring ang pakiramdam niya'y hindi siya karapat-dapat para humingi ng tulong. Ngunit sa pagtatapos ng araw, lumapit pa rin siya kay Jesus dala ang kalakasa ng loob na mayroon siya, at sapat na iyon. Si Jesus ay hindi humihingi ng malaking pananampalataya kung ihahambing sa iba; hinihiling lang Niya sa atin na lumapit sa Kanya dala ang pananampalatayang mayroon tayo. Nangangailangan ito ng katapangan, ngunit ang sigurado, Siya na ang kikilos pagkatapos nito.
Pagninilay/Mga Tanong sa Talakayan:
1. May bahagi ba ng iyong buhay na kulang ka sa tapang dahil sa pakiramdam mo ay hindi ka sapat?
2. Nakita mo na ba si Jesus na kumuha ng isang bagay na sa tingin mo ay hindi mabuti at gumawa ng isang bagay na kamangha-mangha dito? Ipaliwanag o ibahagi.
3. Ano sa tingin mo ang isang bagay na dapat mong dalhin kay Jesus kahit na natatakot ka?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Bolder: A Look at the Audacious Faith of Imperfect People](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F29405%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang katapangan ay hindi kailangang maging engrande at ipamalita para makita ng lahat; ito ay simpleng pagkilos ng pagdadala ng anumang mayroon ka kay Jesus at pagtitiwala sa Kanya sa magiging resulta. Halina't maglakbay sa isang pitong araw na pakikipagsapalaran na tinitingnan ang mapangahas na pananampalataya ng mga hindi perpektong tao.
More