Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mas Matapang: Isang Pagtingin sa Mapangahas na Pananampalataya ng mga Hindi Perpektong TaoHalimbawa

Bolder: A Look at the Audacious Faith of Imperfect People

ARAW 4 NG 7

Araw 4: Si Jonatan

Si Jonatan ang panganay na anak ni Saul, ang unang hari ng Israel. Karaniwan, kapag namatay ang isang hari, ang kanyang panganay na anak ang papalit bilang hari. Sa kasamaang palad para kay Jonatan, si Saul ay tinanggihan ng Diyos dahil sa kanyang pagsuway (tingnan ang 1 Samuel 15), kaya pinili ng Diyos si David upang palitan siya bilang hari. Naging matiyaga si David at naghintay sa panahon ng Diyos na maupo sa trono sa halip na pilitin ang sarili sa posisyong iyon bago matapos ang paghahari ni Saul.

Isipin na ikaw si Jonatan na nasa ganitong sitwasyon. Isa kang prinsipe. Ang iyong ama ay ang hari. Nakatira ka sa isang palasyo, maganda ang buhay mo. Pagkatapos ang iyong ama ay gagawa ng ilang maling pagpili at nasira ang iyong kinabukasan. Ano ang madarama mo tungkol sa taong napiling umupo sa trono pagkatapos ng iyong ama sa halip na ikaw?

Anuman ang naramdaman ni Jonatan noong una, nakita natin na sila ni David ay naging matalik na magkaibigan. Si Saul, na naging biyenan ni David, ay may kumplikado at magulong relasyon kay David. Minsan parang gusto niya si David, pero sa higit sa isang pagkakataon, tinangka niyang patayinito.

Ngunit hindi nagpatinag si Jonatan. Nananatili siyang totoo bilang kaibigan at kakampi. Sa 1 Samuel 20, mababasa natin ang tungkol sa kung paano niya binalaan si David na tumakas mula sa kanyang ama, na si Saul, dahil gusto nitong patayin si David (muli). Isipin kung gaano kahirap iyon para kay Jonatan. Alam niyang ang kanyang karapatan sa trono ay ibinibigay ng Diyos kay David. Kinailangan niyang maging tagapamagitan ng kanyang ama, ang kasalukuyang hari, at ng kanyang kaibigan, ang magiging hari. Kailangan niyang pumili ng isang panig at parangalan pa rin ang kabilang panig. At si Jonatan ay pumili ng isang panig: Siya ay pumanig sa pinili ng Diyos. Nagpasya siyang umayon sa ginagawa ng Diyos. Hindi nito pinadali ang kanyang buhay, ngunit natapos ang kanyang buhay nang buo ang kanyang pagkatao.

Ang katapangan ni Jonatan ay ang pagtingin sa hinaharap. Alam niyang hindi siya magiging hari at ang linya ng kanyang ama na si Saul bilang maharlika ay magtatapos na. Hindi naiayos ng kanyang ama ang kanyang hinaharap, ngunit tumingin si Jonathan sa kanyang hinaharap at itinaguyod ang kanyang anak. Pinili niyang tanggapin ang isang mas mababang papel sa malaking larawan ng Diyos, at tinanggihan ang paninibugho na nakita niyang kumilos ang kanyang ama, at bilang resulta, ang kanyang anak na lalaki ay umani ng mga benepisyo.

Pagninilay/Mga Tanong sa Talakayan:

1. May kilala ka bang tao na ang katapangan ay higit na nakabubuti sa kanyang sarili kaysa sa iba? Ano ang pakiramdam mo sa karakter ng taong iyon?

2. Ano ang isang paraan upang maging matapang ka para sa kapakanan ng ibang tao?

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Bolder: A Look at the Audacious Faith of Imperfect People

Ang katapangan ay hindi kailangang maging engrande at ipamalita para makita ng lahat; ito ay simpleng pagkilos ng pagdadala ng anumang mayroon ka kay Jesus at pagtitiwala sa Kanya sa magiging resulta. Halina't maglakbay sa isang pitong araw na pakikipagsapalaran na tinitingnan ang mapangahas na pananampalataya ng mga hindi perpektong tao.

More

Nais naming pasalamatan ang Alpha sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://berea.org