Mas Matapang: Isang Pagtingin sa Mapangahas na Pananampalataya ng mga Hindi Perpektong TaoHalimbawa
Araw 1: Si Pedro
Karamihan sa mga taong nagbasa ng Biblia o nakapanood ng anumang ginawa tungkol dito ay narinig na ang kuwento ni Pedro na naglakad sa tubig at hinamon na "lumabas sa bangka" nang may katapangan ng pananampalataya. Ang paglalakad niJesus sa tubig ay nakatala sa tatlo sa apat na salaysay ng buhay ni Jesus (sa Mateo, Marcos, at Juan), ngunit ang tanging nagbabanggit ng pagsama ni Pedro ay nasa Mateo. Pansinin sa ulat ni Mateo ang direktang tagubilin ni Jesus sa mga alagad. Inilarawan ni Mateo si Jesus na nagsabi sa kanila na sumakay sasa bangka. Lahat ng tatlong salaysay ay nagtala sa sinabi ni Jesus na, “Ako nga; Huwag kang matakot." Hiniling lang ni Jesus sa kanyang mga disipulo na huwag matakot. Ang pagkatakot ay hindi kailangan dahil Siya ay si Jesus at Siya ay naroroon. Ngunit kung gayon, kaninong ideya para kay Pedro na bumaba sa bangka? Ito ay ideya Pedro. Sinang-ayunan ito ni Jesus, ngunit hindi Niya agad ito sinabi kay Pedro. Ang bagay na Kanyang hiniling sa kanya—ang huwag matakot—ay hindi nagawa ni Pedro (v. 30). Ngunit tingnan natin ang dulo ng kuwento. Ang tugon ng mga alagad ay pagkamangha at pagsamba. Sila ay kumbinsido na si Jesus ay “tunay na Anak ng Diyos.”
Ang ganitong uri ng padalos-dalos at madalas na walang ingat na pag-uugali ay medyo pangkaraniwan kay Pedro gaya ng nakita natin sa kanya sa mga ulat ng ebanghelyo. Nakita natin siyang gumawa ng malalaking pahayag na hindi niya naman matutupad (halimbawa, ikinaila niyang kilala niya si Jesus pagkatapos niyang sabihing mamamatay siya para sa Kanya), nakita natin siyang pinutol ang tainga ng isang tao, nakita natin siyang nagsalita nang hindi nag-iisip nang maraming beses, at nakita natin siyang sumaway kay Jesus mismo. Ngunit nakita rin natin na pinamunuan niya ang unang simbahan sa isang hindi kapani-paniwalang paraan. Sa Mga Gawa 2 makikita natin si Pedro—na puspos ng Banal na Espiritu—na nagpagaling sa isang pilay, nanindigan sa gitna ng pag-uusig, at nagbigay ng makapangyarihang sermon kung saan ang tatlong libong tao ay naniwala kay Jesus. Iisang lalaki lang ba ito?
Madalas na itinutuwid ni Jesus si Pedro (at sa kabutihang palad ay pinagaling Niya ang lalaking pinutulan ni Pedro ng tainga!), ngunit kinuha ni Jesus si Pedro, kahit na kumikilos siya bago siya mag-isip, at pinili siya upang magsimulang itayo ang Kanyang Simbahan. Bakit? Malinaw na mahina si Pedro sa maraming paraan, at madalas siyang nabibigo. Ngunit may nakita si Jesus kay Pedro na magagamit Niya. Kailangang lumago si Pedro, at naroon na ang mga sangkap. Si Pedro ay handang ihandog ang mga ito, upang maituwid at maturuan ni Jesus kung kinakailangan, at patuloy na ituon ang kanyang mga mata kay Jesus.
Pagninilay/Mga Tanong para sa Talakayan:
1. Ano ang natutuhan mo sa magkakahiwalay na salaysay ng tatlong kalalakihang kinasihan ng Banal na Espiritu tungkol sa parehong kaganapan?
2. Bakit kaya isa lamang sa tatlong salaysay ng pangyayaring ito ang nagbanggit sa pakikilahok ni Pedro?
3. Ang ilang mga iskolar ay naniniwala na ang ebanghelyo ni Marcos ay aktwal na salaysay ni Pedro ng buhay ni Jesus, at isinulat lamang ito ni Marcos para sa kanya. Kung totoo ito, bakit kaya maaaring ayaw mong sabihin sa lahat ang tungkol sa oras na lumakad ka sa tubig?
4. Ano ang lakas at kahinaan na mayroon ka na maaari mong hayaang gamitin ni Jesus?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang katapangan ay hindi kailangang maging engrande at ipamalita para makita ng lahat; ito ay simpleng pagkilos ng pagdadala ng anumang mayroon ka kay Jesus at pagtitiwala sa Kanya sa magiging resulta. Halina't maglakbay sa isang pitong araw na pakikipagsapalaran na tinitingnan ang mapangahas na pananampalataya ng mga hindi perpektong tao.
More