Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mas Matapang: Isang Pagtingin sa Mapangahas na Pananampalataya ng mga Hindi Perpektong TaoHalimbawa

Bolder: A Look at the Audacious Faith of Imperfect People

ARAW 2 NG 7

Araw 2: Ester

Pumunta tayo sa kalagitnaan ng kuwento sa kabanata 4, kaya't ito ang aabutan natin (Huwag mag-atubiling basahin ang buong Ester kung gusto mo!): Si Ester, isang Judio, ay ginawang reyna matapos na ang hari ng Persia na si Haring Xerxes ( o Ahasuerus depende sa iyong salin) ay hindi nasiyahan sa dati niyang asawa. Si Haman, ang kanang kamay ni Haring Xerxes, ay napopoot kay Mordecai, ang tiyuhin ni Ester dahil tumanggi si Mordecai na yumukod sa kanya (dahil ang mga Judio ay yuyuko lamang sa Diyos).Idinamay ni Haman sa poot na iyon ang lahat ng mga Judio at nagpahayag ng mga bagay na hindi totoo para kumbinsihin si Haring Xerxes na dapat silang lahat ay patayin. Ang hari, dahil sa maling pagtitiwala at hindi magandang impormasyon, ay sumang-ayon.

Sa Ester 4, hinamon ni Mordecai si Ester na gamitin ang kanyang posisyon bilang reyna para iligtas ang mga Judio. Ang kanyang pag-aalinlangan ay may katuturan dahil kaya lamang siya nasa posisyon ngayon ay dahil pinaalis ng hari ang kanyang huling asawa, at isang buong buwan na siyang hindi ipinatatawag nito. Papayag ba itong makipag-usap man lang sa kanya? Maaari siyang mamatay kapag pumunta siya sa hari nang hindi siya ipinapatawag nito.

Ang tapang ni Ester sa harap ng posibleng kamatayan ay hindi kung saan lang niya nakuha. Dalawang bagay ang tila nakakumbinsi sa kanya na kumilos kahit na natatakot siya para sa kanyang buhay: isang magandang pagkukumbinsi at suporta mula sa kanyang koponan. Kung naglalaro ka ng isports o nakapanood ka ng anumang mga pelikulang pang-isports, maiisip mo ang eksena: Ang coach o ang kapitan ay nagbibigay ng pampalakas ng loob na pananalita na nagpapaalala sa koponan ng dahilan kung bakit kailangan nilang bumalik doon kahit na sila ay mukhang natatalo. Ang koponan ay may isang sandali bilang isang grupo na magsama-sama upang tiyakin sa kanila na anuman ang mangyari, magkakasama sila at maaari silang magtiwala sa isa't-isa. Si Ester ay may ganito ring karanasan. Nang nakumbinsi siya ng mensahe ni Mordecai na kailangan niyang pumunta sa hari, kailangan niya ng suporta. Hiniling niya sa mga pinakamalalapit sa kanya na sumama sa kanya sa isang pag-aayuno upang maghanda para sa sandali na pupunta siya para makita ang hari, at hiniling niya kay Mordecai na hilingin sa lahat ng maaari na sumama din sa kanila--at ginawa nga nila.

Ang mga salita ni Mordecai sa 4:14 ay hindi lamang nagbigay-inspirasyon kay Ester na kumilos kundi nagbigay-inspirasyon din sa marami pang iba sa mga susunod na henerasyon na kumilos sa kabila ng kanilang mga takot . Ang salitang “maghikayat” ay nagmula sa ideyang magbigay lakas ng loob. Nakikita natin ang katapangan ni Ester sa kung paano siya handang pumunta sa hari at sa kung paano siya naghanda (nakaisip siya ng isang plano), at makikita natin ang katapangan ni Mordecai nang bigyan niya ng lakas ng loob ang kanyang pamangkin na gamitin ang mayroon siya para sa ikabubuti ng mga tao.

Pagninilay/Mga Tanong para sa Talakayan:

1. Kailan ka natatakot na gawin ang isang bagay na alam mong kailangan mo at ang paghihikayat ng isang tao ay gumawa ng lahat ng pagkakaiba?

2. Sino ang isang tao sa iyong buhay ngayon na maaari mong bigyan ng lakas ng loob?

3. Nasa posisyon ka ba ngayon para tumulong sa ibang tao ngunit pinipigilan ng takot? Ano ang isang hakbang na maaari mong gawin para matagpuan ang lakas ng loob na kailangan mo?

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Bolder: A Look at the Audacious Faith of Imperfect People

Ang katapangan ay hindi kailangang maging engrande at ipamalita para makita ng lahat; ito ay simpleng pagkilos ng pagdadala ng anumang mayroon ka kay Jesus at pagtitiwala sa Kanya sa magiging resulta. Halina't maglakbay sa isang pitong araw na pakikipagsapalaran na tinitingnan ang mapangahas na pananampalataya ng mga hindi perpektong tao.

More

Nais naming pasalamatan ang Alpha sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://berea.org