Mas Matapang: Isang Pagtingin sa Mapangahas na Pananampalataya ng mga Hindi Perpektong TaoHalimbawa
Araw 3: Esteban
Si Esteban ang unang Cristianong martir (isang taong pinatay dahil sa kanilang pananampalataya) na pagkatapos niyang magbigay ng maalab na talumpati sa ilang lider ng relihiyon kung saan inilatag niya ang kasaysayan ng bansang Israel. Sa kanyang talumpati, tahasang ipinaliwanag ni Esteban kung paano tinanggihan ng mga Israelita ang Diyos nang paulit-ulit, kahit na sila ay iningatan at iniligtas ng Diyos nang paulit-ulit. Ngunit hindi nagsimula si Esteban bilang isang nagniningas na tagapagsalita. Nagsimula siya sa pagsisilbi sa mga mesa. Sa Mga Gawa 6 makikita natin ang mga disipulo na sinusubukang lutasin ang isang problema. Napakaraming gawain ang dapat gawin sa mga taong mayroon sila. May mga balo na dapat alagaan at pati na rin ang mensahe ni Jesus na kailangang mapalaganap! Ang pag-aalaga sa mga tao o pagpapalaganap ng ebanghelyo ay hindi maaaring balewalain. Kaya't humingi ng tulong ang mga alagad.
Ang isang bagay na kawili-wili sa kung paano nila pinili kung sino ang tutulong ay kung gaano kataas ang mga pamantayan. Maaaring magtaka ang iba kung gaano ba kahalaga kung sino ang naghahain sa mga balo basta't makakain sila. Ngunit ang mga disipulo ay naghahanap ng isang tiyak na uri ng tao upang gawin ang gawain: “mga taong may mabuting reputasyon,” “puspos ng Banal na Espiritu,” at “puspos ng karunungan.” Bakit mahalaga ang mga katangiang ito para sa trabaho?
Pinili si Esteban para sa tungkuling ito kasama ng anim na iba pa at partikular na inilarawan bilang "puno ng Banal na Espiritu." Siya ay inilarawan din bilang "puspos ng pananampalataya at kapangyarihan" at kayang gumawa ng "mga tanda at mga kababalaghan" (6:8). Ganoon na lang ang pagiging bukod-tangi ni Esteban kung kaya't tinitingnan siya ng mga lider ng relihiyon bilang isang banta. Nakahanap pa nga sila ng mga huwad na saksi para magsinungaling tungkol sa kanya, na nagsabing ininsulto niya ang Diyos at ang relihiyong Judio, at ang resulta ay pinatay si Esteban.
Maaaring iniisip mo sa iyong sarili sa puntong ito, “Ngunit hindi ako nagsasalita, hindi ako matapang, at tatakas ako kung may magtangkang pumatay sa akin. Hindi ako maaaring maging matapang tulad ni Esteban." Mahalagang tandaan na hindi siya nagsimula sa ganoong paraan. Kapag binanggit ang kanyang matapang na mga gawa, sa tabi mismo ng mga ito ay ang katotohanan na siya ay "puspos ng Banal na Espiritu" at "puspos ng biyaya at kapangyarihan." Sa buong Biblia kapag ang Banal na Espiritu ay nasa isang tao, mayroon siyang kapangyarihan. Minsan ito ay pisikal na lakas (tingnan si Samson sa aklat ng Mga Hukom), ngunit kadalasan ito ay ang kakayahang gawin o sabihin ang mga bagay na hindi nila magagawa. Sa madaling salita, kung wala kang lakas ng loob na gawin ang alam mong tama, maibibigay ito ng Banal na Espiritu! Ikaw man ay nahaharap sa kamatayan o hindi dahil sa pagsunod kay Jesus gaya ng ginawa ni Esteban, malalaman mo na ang parehong Espiritu na nagbigay sa kanya ng katapangan na manatiling tapat kay Jesus sa harap ng kakila-kilabot na pang-aabuso (pagpatay, sa katunayan) ay ang Isa na nabubuhay sa iyo kapag pinili mong sundin si Jesus.
Pagninilay/Mga Tanong sa Talakayan:
1. Paano nauugnay ang resulta sa Mga Gawa 6:7 sa mga pamantayan ng mga manggagawa na pinili sa 6:3?
2. Anong mga pagkakatulad ang nakikita mo kina Esteban at kay Jesus?
3. Kung pinili mong sundin si Jesus, tanggapin ang Kanyang sakripisyo para sa iyo, at ialay ang iyong buhay sa Kanya, nakita mo na bang kumilos ang Banal na Espiritu sa iyong buhay? Paano kaya?
4. Kung hindi mo pa nagawa ang desisyong iyon, ano ang isang balakid o tanong na mayroon ka at paano mo hahanapin ang sagot?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang katapangan ay hindi kailangang maging engrande at ipamalita para makita ng lahat; ito ay simpleng pagkilos ng pagdadala ng anumang mayroon ka kay Jesus at pagtitiwala sa Kanya sa magiging resulta. Halina't maglakbay sa isang pitong araw na pakikipagsapalaran na tinitingnan ang mapangahas na pananampalataya ng mga hindi perpektong tao.
More