Paghihintay sa Pasko: 5-Araw na Gabay para sa AdbiyentoHalimbawa
Ang Pinakadakilang Handog sa Lahat
Sandaling huminto at isipin kung ano ang iyong buhay kung hindi ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak sa mundo. Isipin kung ano ang pakiramdam na mabuhay na walang pangako ng buhay na walang hanggan o walang kaugnayan sa Diyos. Tingnan kung paano ito makaaapekto sa iyong pakikisama, pagpapahalaga sa sarili, at pananaw sa hinaharap.
Dahil sa pangako ng Pasko, ito ay hindi magkakaroon ng kaganapan.
Ang kapanganakan ni Jesus ay pisikal na kapahayagan ng marangyang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Hindi natin mararanasan ang buhay na hiwalay sa ating Tagapagligtas dahil ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak para sa atin.
Kahit gaano kaabala o kahirap ang kapanahunan na ito, ikaw ay inaanyayahan na maranasan ang bagong pagbuhos ng pag-ibig ng Diyos. Magbigay ng ilang sandali na pagmuni-munian ang kahulugan ng pagsilang ni Jesus sa iyo. Kung ikaw ay handa na, manalangin ng nasa ibaba.
Panalangin para sa Pag-ibig:
Amang Diyos,
Salamat sa labis Mong pagmamahal na ibinigay Mo ang Iyong Anak para sa akin, bago pa man Kita mahalin.
Sa pamamagitan ng Iyong kagandahang loob at hindi matitinag na pag-ibig, naunawaan ko kung bakit mahalaga ang Pasko.
Ipaalala Mo sa akin na magmuni-muni sa Iyong handog na Anak sa mga susunod na araw patungo sa Kapaskuhan.
Baguhin Mo ako bilang isang tao na nagmamahal sa iba katulad ng pagmamahal Mo sa akin.
Ipakita Mo sa akin kung paanong patuloy na lumakad sa Iyong pag-ibig, yaong ganap na pag-ibig na nag-aalis ng takot.
Mahal kita, Panginoon.
Sa pangalan ni Jesus,
Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan, ang mga pagdiriwang ay dumarating at lumilipas bago tayo magkaroon ng pagkakataon na ituon ang ating puso sa paghahanda para sa Pasko. And Adbiyento ay ating paraan ng pag-ala-ala na ang Diyos ay dumating upang makasama natin, nananatiling kasama natin, at muling babalik. Sa loob ng susunod na 5 araw, ating susuriin ang apat na tema ng Adbiyento: pag-asa, kapayapaan, pag-ibig at kagalakan.
More