Paghihintay sa Pasko: 5-Araw na Gabay para sa AdbiyentoHalimbawa
Paghihintay sa Pasko
Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya at tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsiple ng Kapayapan.Isaias 9:6 RTPV05
Ano ang hinahanap mo ngayong Pasko? Maaaring sinusubukan mong iproseso ang mahirap na sitwasyon at nangagailangan ka ng Kahanga-hangang Tagapayo. Maaaring nararamdaman mo na naabot mo na ang dulo ng iyong sarili at hinahanap mo ang Makapangyarihanng Diyos. Maaaring hindi mo makakasama ang iyong pamilya ngayong Pasko at kailangan mo ang Walang Hanggang Ama. O maaaring ang iyong pag-iisip ay nakikipaglaban at kailangang-kailangan mo ng Prinsipe ng Kapayapaan.
Kadalasan, ang mga pagdiriwang ay dumarating at lumilipas bago tayo magkaroon ng pagkakataon na bigyang -pansin ang tunay na dahilan ng Pasko … ngunit hindi kailangang maging ganito.
Ang Adbiyento ay nagsisilbing panahon ng paghihintay at pagninilay-nilay hanggang sa sumapit ang Pasko. Isinalin mula sa orihinal na Latin, ang Adbiyento ay nangangahulugang mahalagang pagdatal, paglapit o pagdating. Ito ang panahon na kalakip ang pag-alala sa lahat ng ginawa ng Diyos at paghihintay sa Kanyang mga gagawin pa.
Ang Adbiyento ay ating paraan ng pag-alaala na ang Diyos ay dumating upang makasama natin, nananatiling kasama natin, at muling babalik. Mayroon tayong daan patungo sa kapangyarihan ng Diyos, walang hanggang payo at kapayapaan dahil ibinigay Niya ang Kanyang Anak upang maging Emmanuel, “Kasama natin ang Diyos.” Naghihintay tayo ng may taimtim na pag-aasam sa pagbabalik ng ating Tagapagligtas, katulad ng paghihintay ng mga Israelita sa pagsasakatuparan ng propesiya ng Lumang Tipan patungkol sa Mesiyas.
Aming inaasahan na ang Gabay na ito ay makatutulong upang mabigyang-pansin ang tunay na kahulugan ng Pasko. Bawat araw, susuriin natin ang isa sa mga pakuhulugan ng tema ng Adbiyento: pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig.
Samahan ninyo kami sa paghahanda ng ating puso sa pagdating ng ating Tagapagligtas.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan, ang mga pagdiriwang ay dumarating at lumilipas bago tayo magkaroon ng pagkakataon na ituon ang ating puso sa paghahanda para sa Pasko. And Adbiyento ay ating paraan ng pag-ala-ala na ang Diyos ay dumating upang makasama natin, nananatiling kasama natin, at muling babalik. Sa loob ng susunod na 5 araw, ating susuriin ang apat na tema ng Adbiyento: pag-asa, kapayapaan, pag-ibig at kagalakan.
More