Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghihintay sa Pasko: 5-Araw na Gabay para sa AdbiyentoHalimbawa

Anticipating Christmas: A 5-Day Advent Plan

ARAW 4 NG 5

Ang Kagalakan na Itinakda sa Atin

Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita nilang tumigil ang bituin sa tapat ng kinaroroonan ng bata. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Mateo 2:10-11a RTPV05

Kagalakan: ang puno ng kapurihang katiyakan na ang Diyos ang Siyang may kapamahalaan at gumagawa ng lahat para sa ating ikabubuti at sa Kanyang kaluwalhatian.

Maaring mahirap na makaramdam ng kagalakan kapag sumasapit na ang Pasko. Ang kapaskuhan marahil ay nakaka-stress, magulo, nakakalungkot at nagdudulot ng kirot. 

Ngunit, ang kagalakan ng pagdating ni Jesus ay hindi kondisyonal o panandalian lamang. Ito ay matatag at hindi natitinag. Ito ay kagalakan na kumikilos ng lagpas sa pader ng mundo.

Ang kapanganakan ni Jesus ay hindi maharlikang pagdating na inaasahan ninuman. Subalit, ito ay nagpapabago ng lahat. Sa isang iglap, ang Anak ng Diyos ay naging “Kasama natin ang Diyos”—at makalipas ang mahigit na 2,000 taon, ang pagod na mundo ay patuloy na nagagalak.

Ngayon, kayo ay inaanyayahan na magalak sa kamangha-manghang kapanganakan ni Jesus. 

Panalangin para sa Kagalakan:

Jesus, 

Salamat sa pagiging Emmanuel, Kasama natin ang Diyos. Dahil sa Iyo ay nakakaranas ako ng tunay na kagalakan.

Ikaw ay karapat-dapat sa lahat ng kaluwalhatian, karangalan at kapangyarihan—kaya anuman ang aking haharapin, pipiliin kong sumamba sa Iyo.

Tulungan Mo akong magalak kung nakakaranas ako ng pagsubok dahil alam ko na lumilikha Ka ng bagay na maganda at walang hanggan.

O Diyos, ipaalala Mo sa akin na Ikaw ang gawin kong kanlungan at magkaroon ako ng kagalakan. Ang Iyong kaaliwan ay nagbibigay sa akin ng panibagong pag-asa at saya. Sa Iyong presensya ay mayroong ganap na kagalakan! 

At dahil sa Iyong hamak na pagdating mahigit na 2,000 taon na ang nakakalipas, nararanasan ko ang kagalakan ng Iyong presensya magpakailanman. Salamat sa Iyo.

Sa pangalan ni Jesus, 

Amen.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Anticipating Christmas: A 5-Day Advent Plan

Kadalasan, ang mga pagdiriwang ay dumarating at lumilipas bago tayo magkaroon ng pagkakataon na ituon ang ating puso sa paghahanda para sa Pasko. And Adbiyento ay ating paraan ng pag-ala-ala na ang Diyos ay dumating upang makasama natin, nananatiling kasama natin, at muling babalik. Sa loob ng susunod na 5 araw, ating susuriin ang apat na tema ng Adbiyento: pag-asa, kapayapaan, pag-ibig at kagalakan.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.