Paghihintay sa Pasko: 5-Araw na Gabay para sa AdbiyentoHalimbawa
Ang Kapana-panabik na Pag-asa
Isipin mong madilim, tahimik ang gabi at ikaw ay nasa bukirin na pinalilibutan ng mga tupa. Kinalaunan, nagpakita ang pulutong ng mga anghel at ipinahayag na matapos ang 400 taong paghihintay, ang pag-asa ng mundo ay dumating —ang sanggol na tinatawag na Emmanuel, "Kasama natin ang Diyos.”
Madaling bigyang-pansin ang mahihirap na pangyayari o karanasan, lalo na yaong mga natapos na pagsubok noong nakaraang taon. Ngunit, ang Adbiyento ay nag-aalok ng pagkakataon na pagmuni-munian ang mga pangako ng Diyos at ituon ang ating paningin kay Jesus.
Ang panahon na ito ay nagsisilbing paalala na maaari nating makamtan ang kaparehong pag-asa na ipinakita ng mga pastol maraming mga taon na ang nakalipas—sa kaalaman na ang Diyos ng sanlibutan ay nagpakababa upang duminig sa ating mga hibik at pagalingin ang ating mga puso.
Kahit gaano katindi o nakakatakot ang dilim, naniniwala tayo na may katiyakan ang pangako na nakasulat sa Salita ng Diyos. Huminto sandali at isipin ang katapatan ng Diyos habang tayo ay nakasandig sa pag-asa sa panahong ito.
Panalangin ng Pag-asa:
Amang Diyos,
Habang papalapit ang Pasko, tulungan mo akong sandaling huminto at alalahanin ang mga bagay na ginawa Mo sa aking buhay, sa aking pamilya, at sa aking komunidad.
Pinupuri Kita dahil Ikaw ang Diyos na nagligtas sa akin. Nagpapasalamat ako dahil ang aking pag-asa ay nasa Iyo, hindi sa mga pangyayari o mga tao.
Dahil sa Iyo ako umaasa, ako ay tiwala na tutuparin Mo ang Iyong mga pangako. Ipaalala Mo sa akin ngayon kung ano ang tunay na mahalaga. Tulungan Mo akong makita kung paano Kang gumagawa sa gitna ng aking paghihintay.
Ilapit Mo ako sa Iyo sa panahon ng Kapaskuhan, at ihanda Mo ang aking puso sa pagtupad ng Iyong mga pangako.
Sa pangalan ni Jesus,
Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan, ang mga pagdiriwang ay dumarating at lumilipas bago tayo magkaroon ng pagkakataon na ituon ang ating puso sa paghahanda para sa Pasko. And Adbiyento ay ating paraan ng pag-ala-ala na ang Diyos ay dumating upang makasama natin, nananatiling kasama natin, at muling babalik. Sa loob ng susunod na 5 araw, ating susuriin ang apat na tema ng Adbiyento: pag-asa, kapayapaan, pag-ibig at kagalakan.
More