Paghihintay sa Pasko: 5-Araw na Gabay para sa AdbiyentoHalimbawa
Ang Pangako ng Kapayapaan
Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.” Lucas 2:10-11 RTPV05
Sa unang apat na kabanata ng Biblia na nagsasalaysay ng kuwento ng Pasko, ang "huwag matakot" ay binanggit ng limang beses.
Ang kapanahunan na nakapalibot sa kapanganakan ni Jesus ay walang kapayapaan. Mayroong tensyon sa ugnayan nina Maria at Jose. Mayroong kaguluhang pampulitikal. Mayroong wasak na mundo na lubhang nangangailangan ng Tagapagligtas. Pamilyar?
Ang kapanganakan ni Jesus ay isa sa mga mahahalagang hakbang sa plano ng Diyos upang tubusin ang mundo. Ang pagdating ni Jesus ay isang parola. Ito ay panimula na nagbuhat sa tila madilim, desperadong wakas.
Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak dahl nais Niya na maranasan natin ang Kanyang ganap na kapayapaan. Sa ngayon, huminto at isipin ang bahagi ng iyong buhay kung saan nais mong hilingin sa Diyos na pakalmahin ang iyong puso, katulad ng ginawa Niya kina Maria, Jose at sa mga pastol noong nakalipas na mga taong iyon.
Panalangin para sa Kapayapaan:
Amang Diyos,
Salamat sa pagpapadala ng Iyong Anak, ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Bantayan Mo ang aking puso at isipan ng Iyong kapayapaan ngayong Pasko. Alam Mo ang mga bagay na nagpapabigat sa akin nang may pagkabahala, pag-aalala, o takot.
Tulungan Mo akong ituon ang aking isipan sa Iyo at tulungan Mo akong kilalanin ang tunay na presensya ng Iyong pag-ibig.
Salamat sa pangangalaga Mo sa akin, at sa pakikipaglabang kasama ko. Hindi Mo ako binigyan ng espiritu ng takot, kundi binigyan Mo ako ng buhay at kapayapaan.
Tulungan mo akong ilagak ang aking takot sa Iyong harapan at magtiwala sa Iyo ng buong puso ngayong kapaskuhan.
Sa pangalan ni Jesus,
Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kadalasan, ang mga pagdiriwang ay dumarating at lumilipas bago tayo magkaroon ng pagkakataon na ituon ang ating puso sa paghahanda para sa Pasko. And Adbiyento ay ating paraan ng pag-ala-ala na ang Diyos ay dumating upang makasama natin, nananatiling kasama natin, at muling babalik. Sa loob ng susunod na 5 araw, ating susuriin ang apat na tema ng Adbiyento: pag-asa, kapayapaan, pag-ibig at kagalakan.
More