Lumago sa Pag-ibigHalimbawa
Ang Lumalagong Pag-ibig na Nakatuon sa Iba
Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili.Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba,at hindi lamang ang sa inyong sarili. Mga Taga-Filipos 2:3-4 RTPV05 (may dagdag na diin)
Ang lumalagong pag-ibig ay nakatuon sa iba. Hindi talaga kita kayang mahalin kung patuloy akong nakatuon sa aking agenda, sa aking kagustuhan, sa aking naisin, o sa aking susunod na tagumpay. Kaya upang tunay na mahalin ang isa't isa, kailangan nating manatiling alerto sa mga pakana ng kaaway na magpapanatili sa atin na nakatuon sa sarili.
Naniniwala akong ang paggambala ay isang pangunahing sandata ng ating espirituwal na kaaway. Mula saan tayong gustong malihis ng kaaway? Ang sagot ay sa anumang bagay na mahalaga sa Diyos. Halimbawa:
- Pagbabahagi ng ebanghelyo (ang misyon na pagliligtas ng Diyos)
- Matalik na pakikipag-ugnayan sa Diyos
- Pagmamahal sa isa't isa
Sa katunayan, kung maaagaw ng kaaway ang atensyon natin mula sa mga mahahalagang bagay na ito nang matagal, alam niyang ang pagkakahati-hati, paglayo sa iba, at pagkawasak ang magreresulta.
Una, tukuyin natin ang pagkagambala. Kung susumahin, ito'y anumang bagay na naglalagay ng ating atensyon o isip sa ibang bagay. Heto ang isang karaniwang halimbawa ng kung paano nangyayari ang pagkagambala: Mayroon kang konting oras pa bago makipagkita sa isang kausap, at imbes na humingi sa Diyos ng pahiwatig ng kung sino ang maaari mong tawagan o ipanalangin, hahayaan mong masayang ang iyong libreng oras dahil nakuha na ang atensyon mo ng pinakabagong balita, notipkasyon sa telepono, post sa social media, o iba pang uri ng pang-mag-isanglibangan.
Galing na ako diyan, nagawa ko na yan! Ito ay isang ugaling napakadaling makahiligan dahil napakadaling gawin sa kaunting pitik lang ng daliri.
Ngunit ayokong mamuhay nang naggagambala. Ayoko ng ganito na lang. Ayokong mabigong makita ang tao sa harap ko. Gusto kong magmahal tulad ni Jesus!
Magising tayo sa katotohahang talagang kailangan natin ang isa't isa. Sa katunayan, pinatutunayan ng mga pag-aaral na ang mga komunidad na may malulusog na relasyon ay makakabuti sa ating pisikal, emosyonal at sikolohikal na kagalingan.
Magpasya ngayong lumikha ng mas intensyonal pang mga koneksyon at hindi pabago-bagong mga pakikipag-ugnayan. Magpasyang maging isang tagapagbigay ng pang-araw-araw na lakas ng loob sa lahat mong makaugnay. Magpasyang mamuhay na halimbawa ng pagmamahal ng Diyos at manatiling nakatuon sa ating misyon sa Kaharian.
Ang aking asawa, si Craig, ay aking inspirasyon pagdating sa pamumuhay na nakatuon sa iba. Gumawa ako ng listahan dito kung paano ko siya regular na nakikitang namumuhay. Umaasa akong magbibigay inspirasyon din ito sa inyo:
- Palagi siyang tumatawag upang kamustahin ang isang may pinagdaaanang kasakitan.
- Siya ay tapat sa pananalangin para sa mga tao.
- Siya ay naglalaan ng panahon upang matiyagang magturo o makinig.
- Ginagawa niya ang anumang kailangang gawin—anupaman ang personal na pinsalang dala nito.
- Inuuna niya ang aming pamilya at ako.
- Nagtatapat at humihingi siya ng paumanhin kapag siya ay mali.
- Nagpaplano siya ng mga paraang maging mapagbigay.
- Lagi siyang nagpapahayag ng pagpapahalaga at pasasalamat.
- Inihuhuli niya ang kanyang sarili.
- Lagi siyang nagpapalakas ng loob ng ibang tao nang may partikular na detalye.
- Inaalala at kinikilala niya ang isang makabuluhang araw ng pagkawala ng ibang tao.
- Nagtatanong siya ng mga katanungang nakakaengganyo kaysa pag-usapan ang sarili niya.
- Palagi siyang namimigay ng pagkain mula sa kanyang plato!
Ang buhay ni Craig ay nagpapakita ng hinog, matamis na bunga ng Banal na Espiritu. Ang mga tila maliliit ngunit tapat na gawaing itong may pagmamahal na may sakripisyo ay hindi pabago-bago dahil patuloy niyang pinipili na yakapin ang buhay ng Espiritu na nasa kanya. Bawat araw, mayroon tayong pagkakataon na gumawa nang natutulad, kaya maglaan ng kaunting oras upang pag-isipan ang anumang mga paraang maaari kang maging mas nakatuon sa iba.
Manalangin: Ama, buksan ang aming mga puso at mata sa kung paano kami makakapamuhay na nakasentro sa Diyos, nakatuon sa iba. Lalo na tulungan kaming ituon ang aming pansin sa mga pinakamalapit sa amin. Nawa ay tunay naming mahalin at pahalagahan ang mga tao sa pamamagitan ng aming mga kilos at salita. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Tungkol sa Gabay na ito
Ang tunay na mahalaga ay ang pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa iba, ngunit paano natin ito gagawin nang epektibo? Ang katotohanan ay hindi natin kayang mahalin nang maayos ang ibang tao gamit ang sarili nating lakas. Ngunit kung tayo ay titingin sa Diyos at magpapakumbaba, kakayanin nating mamuhay mula sa tunay at makapangyarihang pag-ibig ng Diyos. Alamin ang higit pa tungkol sa paglago sa pag-ibig sa 5-araw na Gabay sa Biblia na ito mula kay Pastor Amy Groeschel.
More