Lumago sa Pag-ibigHalimbawa
Ang Lumalagong Pag-ibig ay Nangangailangan ng Nakahanay na Kaluluwa
Upang magawang magmahal nang mabuti, kailangan natin ng mga tapat at dalisay na motibasyon. Samakatuwid, ang isang lumalagong pag-ibig ay nangangailangan ng isang magaling na kamalayan sa sarili.
Ang iyo bang pagmamahal ay tapat—ibig sabihin ay walang pagpapaimbabaw o pagkukunwari? Paano mo malalaman? Maglaan ng panahon para sa paghahanay ng kaluluwa. Hayaang ipaliwanag ko.
Paminsan-minsan ay kailangan kong magtungo sa kiropraktiko para sa pag-aayos ng aking gulugod. Kalaunan, si Dr. Lisa ay may matutuklasang nawala sa tamang pagkakahanay—kaya ito ay kanyang pinapalagutok, pinapalagitik at ibinabalik sa tamang puwesto. Ang mga pagtatamang ito ay kapaki-pakinabang sa aking pisikal na katawan sa iba't ibang paraan.
Sa unang araw ng Gabay sa Biblia na ito, napagtanto natin na talagang kailangan natin ang tulong ng Diyos pagdating sa ganap na pagmamahal sa Kanya at sa kapwa. At ang isa sa mga benepisyo ng araw-araw na pagtingin at pagtitiwala sa Diyos ay na madalas Siyang maghahayag ng isang partikular na bagay na nangangailangan ng pagtatama—o isang paghahanay ng kaluluwa.
Minsan, ipinapakita sa akin ng Diyos na ako ay nagmamagulang batay sa mga emosyong nauugat sa takot imbes na sa tunay na pagmamahal, at kailangan kong isuko ito sa Kanya. Kung minsan, ako ay nasasaktan, at ang Banal na Espiritu ay nagpapakita sa akin kung saan may pagmamataas na dapat pagsisihan at pagpapatawad na dapat ibigay. Maraming beses, nagtitiwala lamang ako sa aking sarili at nagmamatigas na dalhin angaking mga solusyon sa isang sitwasyon sa aking pagsisikap na makatulong nang may pagmamahal.
Maaari akong magpatuloy, ngunit ang inaasahan kong maunawaan ninyo ay na hindi tayo maaaring tunay na magmahal sa iba hangga't hindi natin binubuksan ang ating sarili sa pagtatama at mapagpakumbabang ilagay ang ating sarili sa harap ng Banal na Manggagamot.
Hindi ko magagawang tunay na magmahal mula sa takot, paghihinanakit, pagiging makasarili, o pagmamatigas. At hindi rin ninyo magagawa. Unawaing mabuti ito.
Ang problema ay na marami sa ginagawa natin ay maaaring may anyo ng katuwiran. Magaling talaga tayo sa pagiging makasarili, mataas ang pagtingin sa sarili, at pagbibigay-katuwiran sa sarili. Ngunit ang pagmamahal ay mas malalim kaysa sa nakikita ng mata.
Ang isang mabuting bagay ay hindi laging ang mapagmahal na bagay. Pagdating sa tunay na pagmamahal, ang mga motibo ang pinakamahalaga.
Iyan ang dahilang kailangan nating pumunta sa Diyos nang may malalambot, mapagpakumbabang mga puso upang maiwasan ang anumang panlilinlang sa sarili. Tulad ng pagpunta sa kiropraktiko, ang intensyonal na paggugol ng oras kasama ng Diyos sa panalangin ang magbibigay kamalayan sa sarili na kailangan ng ating mga kaluluwa.
Kaya ngayon, maglaan ng panahong tanungin ang iyong sarili: Ano ang mga ginagawa ko na parang tama, ngunit kulang sa mga tamang motibo?
Manalangin: Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung may mga maling motibo na kailangan mong isuko upang magmahal nang buong katapatan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang tunay na mahalaga ay ang pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa iba, ngunit paano natin ito gagawin nang epektibo? Ang katotohanan ay hindi natin kayang mahalin nang maayos ang ibang tao gamit ang sarili nating lakas. Ngunit kung tayo ay titingin sa Diyos at magpapakumbaba, kakayanin nating mamuhay mula sa tunay at makapangyarihang pag-ibig ng Diyos. Alamin ang higit pa tungkol sa paglago sa pag-ibig sa 5-araw na Gabay sa Biblia na ito mula kay Pastor Amy Groeschel.
More