Kilala: 10 Araw Upang Matuklasan ang Iyong PagkakakilanlanHalimbawa
IKAW AY isang piniling lahi, isang maharlikang pagkasaserdote, isang banal na bansa. Ang talatang ito ay nagpapaliwanag na walang alinlangan kung sino ka bilang isang tagasunod ni Cristo. Ikaw ay inihiwalay! "Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon, pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo'y tinatanggap na ninyo ang kanyang habag." Noon ikaw ay bulag, ngayon ikaw ay nakakakita, salamat sa Kanyang kahanga-hangang liwanag.
Subalit hindi ka tinawag upang maging natatangi sa titulo lamang. Huwag kang tumigil doon! Ang paghihiwalay ng Diyos sa iyo ay may isang plano ng pagkilos. Ikaw ay tinawag upang umiwas sa mga hilig ng laman - ang mga bagay sa mundong ito na alam mong hindi tama, ngunit nagbibigay ng kasiyahan sa sandaling ito - dahil ang mga bagay na ito ay nakikipagdigma sa iyong kaluluwa. Madalas na ang mga bagay na IYON ang nagsisikap na tukuyin ka at maglagay ng isang puwang sa pagitan ng kung sino ka talaga (isang anak ng Diyos) at sabihin sa iyo na ikaw iyon na maaaring magbigay sa iyo ng sandaling pagpapahalaga ngunit sa kalaunan ay hungkag na pagkakakilanlan lamang. Ikaw ay tinawag sa isang mas mataas na pagtawag kaysa diyan. Huwag isakripisyo ang pagiging bahagi ng isang maharlikang pagkasaserdote para sa isang pansamantalang pagkakakilanlan.
Ikaw at ako ay tinawag na mamuhay nang marangal bilang mga tagasunod ni Cristo - hindi upang makita ka ng mga tao at isipin na ikaw ay napakalaki. Ngunit upang makita nila kung sino ang Diyos sa pamamagitan mo - sa pamamagitan ng iyong mga gawa, ng iyong mga salita, at sa iyong pag-uugali, hindi sa pagmamataas, kundi sa pagpapakumbaba.
Kaya kapag lumabas ka sa pintuan ngayon, tandaan kung sino ka. Kapag kasama mo ang iyong mga kaibigan, tandaan kung sino ka. Ikaw ay isang piniling lahi, isang maharlikang pagkasaserdote, isang banal na bansa - isang bayan para sa Kanyang sariling pag-aari. At mula sa pagkakakilanlang iyon, mabuhay. Ituro sa Kanya ang mga tao. Ibahagi ang Kanyang liwanag at kung ano ang Kanyang ginawa sa iyong buhay. At masdan kung paanong baguhin ka Niya ayon sa natatanging pagkatawag Niya sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Madali lang na mawala sa kung ano ang pagkakilala sa iyo at makaligtaan mo kung kanino ka kinikilala. Ang salita ng Diyos ay maraming sinasabi tungkol sa iyo, kung sino ka, at kung ano ang ginawa Niya sa iyo. Ang 10-araw na debosyon na ito ay tutulong sa iyo sa paglalakbay tungo sa pagtuklas ng iyong tunay na pagkakakilanlan.
More